LEXIVIR's POV
"Tignan mo! Tignan mo ang ginawa mo! Sirang sira na ko kay Max!! Shit!." galit kong sambit kay Hazel.
"Promise! Hindi ko alam na si Maxene Santiago ang girlfriend mo i swear!." sabi nito
Nagtaka ako, papaano niya nakilala ang girlfriend ko na alam kong ngayon lang sila nagkita.
"How do you know her ha?." taka kong tanong dito.
Nahinto ito sa pag-iyak.
"I really know her, ka schoolmate ko siya nung first year college kami. Bestfriend niya si E'em." sabi nito
"E'em?." nagulat ako sa sinabi niya
"Yeah, naging boyfriend ko si E'em pero hindi kami nagtagal. Nung umalis si Maxene sa school at tuluyan nang hindi pumasok, nabalitaan ni E'em na nagpunta na ng America si Max. Nang malaman niya yun, halos di na ko kinakausap ni E'em. Then i found out na mahal na pala niya si Max." sabi nito
"E'em? Yung isa nang engr ngayon? Tama ba?." tanong ko dito.
"O-oo, teka papaano mo siya nakilala?." takang tanong nito.
"Sa pinas, magkaibigan ang girlfriend ni E'em at si Max kaya nakilala ko siya dun." sabi ko dito
Huminga ako ng malalim, dahil hindi parin mababago ng saglit na kwentuhan ang nangyari.
"Please! Ipalaglag mo na yan! Parang awa mo na!." sabi ko kay Hazel.
"Lex bakit? Kapag nabuntis mo ba si Maxene gagawin o sasabihin mo din ba ginagawa mo sakin ngayon ha?! . Kung ipapalaglag ko to sa tingin mo mababago mo ba ang katotohanan na may nangyari na satin ha?!."
"Magka-iba kayo! Yan ang tandaan mo! Dahil si Maxene mahal na mahal ko!!." hindi ko na napigilan ang sarili ko at iniwan ko ito.
Pagsakay ko ng sasakyan, ang unang pumasok sa isip ko ay ang sundan si Maxene.
Nabigla ako nang makita ko siya dito sa America, nagtataka ako kung bakit siya nandito.
"You're so stupid Lex!." sabi ko sa sarili ko.
HAZEL's POV
"Magka-iba kayo! Yan ang tandaan mo! Dahil si Maxene mahal na mahal ko!!." Nabigla ako sa sinabi niya.
Aaminin ko na, nang matapos ang gabing may nangyari sa amin.. Naramdaman kong tumibok muli ang puso ko sa kanya.
Sobra akong nasaktan pero wala akong karapatan dahil umepal lang ako sa buhay nila.
Nang makaalis si Lex, bigla akong napaupo sa sahig.
"A-ang sakit! Bakit ikaw nanaman Maxene?!." napahagulgol na lamang ako.
Hindi ko inaasahan ang lahat. Nang dahil sa kagagahan ko nakasira ako ng relasyon!
Sobrang tanga ko! Sana hindi ko nalang inisip ang kapakanan ng pamilya ko! Sana hinayaan ko nalang na ipagtabuyan nila ako.
Wala parin akong tigil sa pag-iyak.
MAXENE's POV
Inuwi ko ang sasakyan, pero hindi ako pumasok sa loob ng bahay.
Naglakad lakad ako sa village, hindi muna ako umuwi.
"P-paano nila nagawa sakin to?." sabi ko sa sarili ko.
Pilit kong kinakalma ang sarili ko, ayokong maiyak pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.
"Ang sakit! Umuwi ako para masurprise si Lex pero sa ganito ko pa siya dinatnan." sabi ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
RomansaAng istorya na ito ay kung paano nagsimula o nabuo ang Love at kung paano ito at kung saan ito magwawakas. Pag ibig ang dahilan. Love is a choice, Love is powerful. How can you end the LOVE?