Mga Pangyayari

311 4 5
                                    

SHERYL's POV

Huling araw na ni Maxene, ang anak ng aking boss, sa unang araw man ng pagkikita namin ay hindi maganda, naging mabait siya sakin sa kabila ng lahat ng ginawa ko sa kanya noon. Nakakahiya mang isipin, pero sobrang natutuwa ako na sandali lang kami nagkasama ay gumaan ang loob ko.

"Sana Ma'am makabalik kayo dito." sabi ko

"Not sure pa po, pero pwede pa naman ako bumalik diba?." sabi nito.

"Bakit hindi ka nalang dito magtrabaho?." sabi ko sa kanya habang pinag hahanda ko siya ng kanyang kape.

"Ahmm, doctor kasi ako. Feeling ko hindi ako bagay dito, pero masaya dito." at ngumiti ito sakin.

Nabigla ako sa sinabi niya, dahil dobleng respeto pala ang dapat gawin ko lalo na at isa pa siyang doctor.

"Wow! Talaga? Saan ka doctor dito sa pilipinas?." sabi ko sa sabik na malaman ang kanyang sagot.

Inilapag ko ang kape sa table niya at umupo ako.

"Sa America po." at ngumiti ulit to tska kinuha ang kape

"Congrats Ma'am! Grabe talaga ang anak ni. Boss, sobrang bait, napaka humble talaga! Tama, hindi ka nga bagay dito pero malay mo naman diba? Balang araw." at ngumiti ako sa kanya

Masaya akong nakilala ko siya sa sandaling nagkasama kami.

MAXENE's POV

Huling araw ko na sa kompanya, dahil nasa flight na si daddy pabalik ng pinas. Sobrang saya ko na makatrabaho si Sheryl.

"Sheryl, umorder ako ng miryenda nyo hintayin niyo nalang ha?." sabi ko dito habang inaayos ko na ang mga gamit ko.

"Ma'am, maraming maraming salamat po talaga." hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti ito.

"Wala po yun, yung binilin ko na bigyan ng bonus ang mga empleyado asikasuhin nyo po ha, ako na sana kaya lang kailangan ko naring umuwi at makapag pahinga." sabi ko

Nagbigay ako ng 250,000 para bonus nila galing sakin, yung binigay ni daddy ang ibinigay ko sa kanila, 50 silang empleyado. Pasasalamat ko iyon sa magandang trabaho na ginagawad nila sa amin, lalo na sa daddy ko.

"Ma'am, inaasahan ko po ulit ang inyong pagbabalik. Mag iingat po kayo Ma'am maraming salamat po!." at kumaway na ito sakin.

Nang makauwi ako ng bahay. Nasa sala ang kabit ni Daddy at nagkakape, ayoko na sanang makausap siya kaya lang pagtungtong ko ng bahay..

"Hey, kamusta naman ang trabaho mo don? Nawalan ako ng papel dahil sa kagagahan mo!." sabi nito

Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang mga sinabi niya sakin.

"Yun naman talaga trabaho mo diba? Ang pumapel sa buhay namin?." pagtataray ko dito.

"Pasalamat ka anak ka ni Teodor! Kung hindi kanina pa kita kinaladkad! Punong puno na ko sayo!" tumayo ito at itinikom ang dalawa niyang kamay.

"Ako? Hindi ako magpapasalamat dahil kabit ka ng Daddy ko, proud kaba sa ginagawa mo? Ako kasi hindi eh, nakakahiya ka. Kung puno kana, mas punong punong puno na ko sayo!." sabi ko sa kanya.

"Mahal ako ng Daddy mo! At hindi mo mababago yon!." dumating si Aling nene para pigilan siya.

"Bitiwan nyo ko!." sigaw nito

"How do you know Daddy loves you? Alam mo ba na mahal na mahal ni Daddy si Mommy? Walang katulad si Mommy, nag-iisa lang, ikaw ang dami niyo! Mga higad!." pagsisigaw ko.

Aakmain sana niya kong lalapitan at sasampalin ng pigilan siya ni Mang bert.

"Ang kapal ng mukha mong babae ka! Dumating ka lang dito nagkanda leche leche na buhay ko! Bitawan nyo ako ano ba! " pagsasabi ulit nito

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon