"Busy ako Maxwel, mamaya kana tumawag okay?."
"Ate wait! Ang daming client papaano ko to haharapin lahat?."
"Maxwel, isa isa lang. Matatapos ka din okay? Tska be yourself kaya mo yan! Tska pupunta kasi ako sa pinapagawang bahay ko mamaya kaya busy ako."
Abala parin ako sa opisina dito sa canada. Nakatira ako sa condo pansamantala dahil hindi pa tapos ang aking bahay.
"Yes daddy, maaga akong aalis ngayon para bisitahin yung pinapagawa nating bahay. Di ko pa kasi maasikasong tignan. Tska para malaman ko magiging design ng bahay ko." sabi ko sa kabilang linya
"Okay sge anak, mag-iingat ka dyan ha. Basta nandito lang kami ng mommy mo. Tumawag ka agad okay?."
Inayos ko na lahat ng mga dapat kong gawin, para maaga kong makaalis.
Nag hire kami ng mga pilipino para sa company namin. Dahil mas magkaka intindihan ang lahat sa trabaho.
"Roy? Ikaw na bahala dito ha. Kung may magpapa appointment pa schedule sa isang araw kasi marami akong gagawin bukas okay? Asahan kita! Mauna na ko ha?."
"Okay po Ma'am copy! Mag-iingat po kayo."
Habang nagdadrive ako, iniisip ko kung ano naba ang kalagayan ng bahay. Nag-aalala ako dahil ngayon ko palang masisilip yun.
"Excited sa new home? Yes i am!!" sabi ko sa sarili ko.
Nang mapuntahan ko na ang aking bahay.
Pagbaba ko ng aking sasakyan, napanganga akong bigla.
"Wait, bahay ko ba talaga to!? Ang laki!!." sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko akalin na ganito kalaki ang magiging bahay ko dahil ako lang naman mag-isa ang titira.
Pagbaba ko ng aking saaakyan, agad kong chineck ang lugar.
Maganda at maaliwalas ang paligid, masarap makalanghap ng simoy ng hangin.
Nang may biglang..
"Ma'am? Good afternoon po." sabi ng isang lalaki na sa pagkakahula ko ay nasa 45 plus na ito.
"Yes? Pinoy po pala kayo, kayo po ba ang engr ng daddy ko?." tanong ko dito.
"Ah actually ma'am-"
"Ang laki ng bahay, tska tamang tama yung design na gusto ko. Pero alam ko hindi yun alam ng daddy ko." tumingin ako sa kanya at ngumiti
"Ang galing nyo po!." pagpupuri ko sa kanya.
"Ah eh ma'am, assistant lang po ako ng anak ko, ang totoo po nyan anak ko ho ang may design nyan." sabi nito
Bigla akong napaisip.
Hindi kaya??...
"S-sino po anak niyo?" tanong ko dito.
"E'em po Ma'am."
Nabigla ako sa aking narinig.
"Daddy?! I mean tito! Ako po pala to si Maxene, hindi po ba ako nakkwento ni E'em sa inyo?." dahil sa tuwa ko na ma meet ang daddy ni E'em niyakap ko ito at nagmano ako.
"Ikaw ba si Maxene? Nice to meet you iha. Ikaw nga, totoo ngang maganda ka ma'am" sabi nito
"Don't call me ma'am tito, call me Max or Maxene po, okay lang sakin." sabi ko dito
"Ikaw naman, amo ka namin dito kaya dapat lang na-"
"Shhhh- tito, stop okay? Call me Max" at nagtawanan kaming dalawa
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
RomanceAng istorya na ito ay kung paano nagsimula o nabuo ang Love at kung paano ito at kung saan ito magwawakas. Pag ibig ang dahilan. Love is a choice, Love is powerful. How can you end the LOVE?