"Mamimiss kita love, tiyaga muna tayo sa video call ha? I love you." pagpapaalam sakin ni Lexivir
Nakalipas narin ang dalawang buwan, wala nang nanggugulo sa akin at wala narin akong balita kay E'em pagkatapos nung huling pag-uusap namin sa beach noon.
Akala ko magiging okay na ko sa lahat at tatahimik na ang buhay ko at mamumuhay na ng payapa.
Pero dito palang pala mag-uumpisa ang lahat.
Nagdecide narin si Mommy at Maxwel na bumalik ng America at sumama din si Daddy, kaya ako nalang at mga katulong ang kasama ko sa bahay.
Sa ngayon, ako muna ang pansamantalang nagpapatakbo ng kompanya namin. Pagkabalik at pagkabalik ni daddy ay papasok na ko ng hospital.
Pag uwi ko galing sa office, nakatanggap ako ng text mula kay Elvin.
"Maxene, busy kaba? Pwede ba tayo mag-usap? Pasensya kana sa abala. Gusto lang sana kita makausap." sabi nito sa text.
Bumuntong hininga ako.
"Ano nanaman kaya sasabihin nito? Wala na tapos na.." sabi ko sa sarili ko
"Okay sige. Send mo sakin ang exact location mo pupunta ko agad." reply ko dito
Wala akong idea sa kung ano man ang pag-uusapan namin ni Elvin ngayon pero nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit, masyado lang yata akong nag-iisip.
"Bakit mo pala gusto akong makausap?." pagtatanong ko dito
"Nag-." bumuntong hininga ito bago muli nagsalita
"Nagkausap ba kayo ni kuya noong nasa bakasyon tayo?." pagtatanong nito
Nabigla ako sa sinabi niya.
"H-hindi." sagot ko
Pero ang totoo nagkausap kami.
"Kasi nakikipag hiwalay si kuya kay Chloe." sabi nito
Nagulat ako sa sinabi niya, pero bakit?
"B-bakit? Anong dahilan?." pagtatanong ko dito
"Nakita kayo ni Chloe na magkausap, at narinig daw niya lahat ng napag usapan niyo. Nagalit ng husto si Chloe kay kuya, inaway niya to ng inaway pero si kuya parang wala nang pakielam." sabi nito sa malungkot na tono
"Kaya pala hindi niya ako pinansin noong nagpapaalam ako sa kanya." sabi ko sa sarili ko
Bakit? Akala ko magiging okay na-.
"Binantaan ni kuya si Chloe na huwag kang pupuntahan o kakausapin o kokomprontahin dahil kung gagalawin ka ni Chloe, baka may gawin si kuya na hindi maganda." pagpapatuloy nito
Ano bang kabaliwan to E'em?!
"A-anong gusto mong mangyari?." pagtatanong ko
"Talaga bang hindi mo na mahal si kuya?." pagtatanong nito
"Dahil kung hindi na talaga, pag ayusin mo sila!." determinado nitong sinabi
"Pasensya kana pero hindi ko magagawa ang gusto mo." sabi ko
"Pero bakit?."
"D-dahil-."
"Dahil mahal mo siya at ayaw mo silang makita na magkasama tama ba?." sabi nito
Ilang segundo ang lumipas bago ako nakasagot.
"Nagkakamali ka, dahil ayoko nang pumasok pa sa mga buhay nila. Okay na ko, sana respetuhin mo yun." sabi ko
"I'm sorry Max-."
"Okay na, mauna na ko. Kailangan ko nang magpahinga."
Tuluyan na kong umalis. Ito lang ang tamang paraan para gawin ang bagay na yun.
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
RomansaAng istorya na ito ay kung paano nagsimula o nabuo ang Love at kung paano ito at kung saan ito magwawakas. Pag ibig ang dahilan. Love is a choice, Love is powerful. How can you end the LOVE?