Paalam

124 3 0
                                    

SARAH's POV

"Tita gusto ko pong sumama papuntang pinas, hindi po ako mapapanatag ng ganito lang! Ayokong walang may gawin tita kaya please gusto ko po makita si Maxene!." maluha luha kong sinabi kay Tita.

"Oo sige, nag-aalala na ko ayokong may mangyaring masama sa anak ko! Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko!." at napahagulgol na si tita.

"Mommy stop crying okay? Magiging okay din si ate, magiging okay din si kuya Lex at E'em." sabi ni Maxwel habang hinahagod nito ang likuran ng mommy niya.

Kailangan kong magpaka tatag, hindi dapat ako pang hinaan ng loob!

Bago ako pumunta kila Maxwel ay pumunta muna ako sa bahay nila Lexivir para ibalita ang nangyari.

"Tita, ayaw na po talaga ni Maxene na makipag balikan kay Lex dahil po nakabuntis si Lex at hindi po iyon katanggap tanggap para kay Maxene." pagpapaliwanag ko dito

"Alam niyo po ba na sinundan ni Lex si Maxene sa pinas?." pagtatanong ko.

"Oo alam ko pero ang buong akala ko ay sila pa dahil hindi naman siya nagsasabi sakin!." maiyak iyak nitong sinabi.

"Tita makinig po kayo ng maigi sakin, wala pa po kaming balita sa tunay na nangyari pero ayon sa cctv footage na nakuha sa park sa pinas sa pinangyarihan, pinilit po na pinaghahalikan ni Lex si Maxene. Pagkatapos may dumating yun po ay si E'em, tumakbo si Maxene kay E'em pero sa galit siguro ni E'em nagkasuntukan sila ni Lex pagkatapos nun bigla nalang silang pinagbabaril tatlo. Ngayon nasa hospital pa po silang 3 at wala pa po kaming malinaw na balita." pagpapahayag ko dito

"Jusko po! Sana walang masamang mangyari sa anak ko! Uuwi kami ng pinas." sabi nito

"Tita pasensya na po sa sasabihin ko pero kasalanan po ito ng anak ninyo, kung hindi sana siya nagloko o nakabuntis ng iba hindi naman po sana magkaka ganito ang sitwasyon."

"Oo alam ko iyon at naiintindihan ko. Tumawag na ko sa asawa ko at sa isang araw aalis kami patungong pinas." sabi nito

"Tita, magiging okay din po ang lahat huwag po kayong mag-alala okay? Ipanalangin po natin silang tatlo na maging okay sila, kahit man po ako hindi ko gusto ang nangyari sa kanila pero nilalakasan ko lang po ang loob ko tita, kaya sana ganun din po kayo."

Sa mga oras na ito, sobra sobra parin ang pag-aalala ko.

TEODOR's POV

"Carmela?." nagulat ako nang makita ko si Carmela sa cctv, siya ang bumaril sa anak ko kay Lex at E'em.

"Hulihin niyo siya ngayon din! Kung pwedeng upahan ko lahat ng pulis dito sa bansa gagawin ko! Mahuli lang siya!!." sabi ko sa mga pulis at imbestigador na mga kausap ko.

"Sige po sir! Gagawin po namin ang lahat para mahuli ang kriminal, aalis na po kami."

Nanlambot ako sa napanuod ko.

"Maxene ko! Kawawang Maxene ko anak!." at napaluhod ako.

Lumabas ang mga doctor na may hawak sa 3 kasama na dun ang aking anak, nagmadali akong tinungo ang kalalabas lang na mga doctor.

"Doc, yung anak ko ho? Kamusta? Nasan na siya??." sabi ko dito

"Yung babae po, ikinalulungkot ko pong sabihin na comatose ho ang anak niyo, dahil masama ang pagkakatumba niya nagkaroon ng crack ang bungo niya kaya kailangan naming obserbahan pa dahil baka magkaroon ito ng internal bleeding mas delikado ho iyon. Natanggal na po namin ang dalawang bala na tumama sa kanya sa likod at sa kanyang braso. Pero sa ngayon kailangan na po namin siyang ma ventilator."

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon