[Chapter Three]
NicoleGabi na pero hindi parin ako dinalaw ng antok. Isa rin ata ang dahilan bat di ako makatulog kasi sa nangyari kanina. Bigla na lang siyang lumapit sa akin....
Tinitignan ko sila na sinusubuan siya ng pagkain. Ang sweey nila pero parang weird eh. Boy to boy love. Ang weird lang eh. Sabi nga nila love isn't about gender. Kung mahal niyo ang isa't isa eh kayo na.
Kinuha ko na lang ang gitara ko. Sinimulan ko na lang ang tumug tug. Catching Feelings by Iñigo Pascual ang tinutugtug ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagtutugtug ay nagulat ako nang bigla siyang nasa harap ko. Walang ekspresyon ang mukha niya. Nagtataka namang nakatingin si Neil.
"May kailangan ka?" Tanong ko na lang. Hindi siya agad naka sagot.
"Pwede bang hiramin ang isang upuan? Wala kasing inuupuan si Neil" saad nito. Ngayon ko lang napansin na nakatayo lang pala si Neil.
"Oo naman" saad ko. Ibinigay ko ang isang upuan na nasa gilid ko.
"Salamat" yun na lang ang sinabi niya at tumalikod. Tutugtug ulit ako pero bigla siyang humarap at nagsalita.
"Anong kanta pala yung pinapatugtug mo kanina?"
"Catching Feelings by Iñigo Pascual" sagot ko. Tumango siya at umalis na. Weird, yun lang ang pinunta niya dito. Very weird.
Ipinikit ko na lang mata ko at pilit na matulog. Hindi parin ako makatulog. Arghhh! Bakit ko ba iniisip yun eh nagtanong lang naman ang tao. Tumayo na lang ako at kinuha ang robe ko. Sinuot ko narin ang comfy sleepers ko. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina.
Kumuha ako ng gatas sa ref at isinalin sa baso. Ininom ko ito. Kinuha ko ang cellphone ko at nag scroll sa IG account ko. I saw some post of my friends na pumaparty. Mga kaibigan ko talaga. Inimbita ako kanina pero hindi ako pumayag dahil------ basta hindi ako pumayag.
Inoff ko na phone ko. Pumunta ako sa sink at hinugasan ang baso ko. Pumunta muna ako sa balcony sa sala. May upuan roon at lamesa. Umupo ako at dinama ang sariwang hangin. Mga 10 pm pa naman. Tinitignan ko ang kalangitaan. I saw some stars and the moon. I love astronomy since I was a kid. Naalala ko noon nung nag sta-star gazing kami ni papa at kuya sa isang burol sa Batanes. Hindi kasi sumama si mama dahil pagod raw siya.
"Anak, bakit gising ka pa? Gabi na ah" saad ni mama na nasa likod ko pala.
"Hindi ako dinalaw ng antok ma eh" saad ko. Umupo si mama sa upuan na sa gilid ko. Sumandal ako sa balikat ni mama. Hinimas himas ni mama ulo ko.
"Kumusta na kaya papa mo noh? Siguro masaya siya dahil mabait ang anak niya" saad ni mama. Ngumiti ako sa sinabi ni mama. Papa would very happy right now.
"Your right ma papa is happy" nakangiti na saad ko.
"Anak, miss na miss ko na papa mo. Na miss ko na ang panahon na magkatabi kaming matulog. Na miss ko na ang panahon na sabay tayong kumakain. Na miss ko na ang panahon na nagtatawanan tayo" kuwento ni mama. May nangingilid na luha sa mata ko.
"Anak pero dapat masanay tayo dahil yung tao minsan umaalis o iniiwan tayo. Iniwanan niya tayo ng masaya at magagandang alala" dagdag ni mama. Tumango ako at niyakap si mama. Miss ko na si papa. Naramdaman ko ang pag iyak ni mama. Kaya niyakap ko na lang siya.
******
"Nicole anak, gising na" naalimpungatan na lang ako dahil sa boses ni mama. Dahan dahan kong inimulat ang mata ko. Nasa balcony parin kami. Papasikat na ang araw. Umalis na ako sa pagkayakap kay mama.
BINABASA MO ANG
Fake Girlfriend
RomanceNicole's life was very simple and peace. Not until she became a fake girlfriend of Ian, a musician.