Chapter Twenty-Five

2K 51 1
                                    

[Chapter Twenty-Five]
Ian

Tapos na akong magbihis kaya bumaba na ako. Dumiretso ako sa kusina. Na abutan ko si mom at dad nag uusap sa dining table. Dapat akong maging masaya kasi masaya mom ko pero bakit hindi? Hindi ko pa nakakausap si dad simula nung umuwi siya. Hindi ko kasi siya pinapansin. Umupo ako sa gilid. Kaharap ko si mom  at nasa gitna namin si dad.

"Goodmorning Ian!" Masayang bati ni mom. Tumango lang ako at nag simulang kumain.

"Ma iwan ko muna kayo ah" pa alam ni mom at tumango si dad. Umalis si mom ng dining table. Ang awkward nung katahimikan.

"Anak may oras ka pa ba?" Tanong ni dad. Tinignan ko relo ko may oras pa naman ako. I just nod.

"Anak sorry talaga. Alam ko mga pagkakamali ko. Natatakot ako bumalik kasi buhay ko ang kapalit kapag hindi ako lilisan. Matagal ng tutol ang lolo mo sa relasyon namin ng mom mo. Nung nalaman ng lolo mo na  buntis ko mom mo ay pinadakip niya ako. Sinabi niya na sa akin na layoan mom kundi buhay ko at pamilya ko ang nakataya. Mas pinili kong lumayo kahit masakit. Pero kalimotan mo na yun matagal na yun. Nagbalik ako para maipadama ko sayo ang pagmamahal ko. Anak patawarin mo ako" kwento ni dad. Nabitawan ko ang kutsara na hawak ko. Hindi kayang gawin yun ni lolo.

Tumayo ako at umalis roon. Napa sandal ako sa kotse ko. Hindi ko makapaniwala sa kwento ni dad. Hindi ko masisisi si dad kasi pinili niyang iligtas buhay niya.

Sumakay na ako sa kotse ko at umalis roon. Dadaan pa ako kina Nicole. Susunduin ko pa siya eh. Pagdating ko sa kanila ay pinapasok agad ako. Na abutan ko siya sa garden nila. Naka upo sa bench at tulala.

Umupo ako sa tabi niya. Niyakap ko siya kaya natauhan siya. Napalingon siya sa akin at ngumiti.

"May problema?" Tanong ko. Umiling siya at umalis sa yakap. Tumayo na siya at tumayo narin ako. Hinawakan ko ang kamay niya. Sabay kaming lumabas. Pinagbuksan ko siya ng pintoan. Sumakay siya agad kaya sumakay na rin ako.

Tahimik lang siya habang nasa biyahe. Tumikhim ako. "Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya na ramdam kong nakatingin sa akin.

"Ayos lang ako" sagot nito. Tumango na lang ako. Last Sunday kasi hindi kami nagkasama dahil may pinuntahan sila ng family niya.

Pagdating namin sa school ay na una siyang lumabas. Nagulat akos a ginawa niya. Palagi kasi na binubuksan ko siya. Bumaba na ako at lumapit sa kanya na nasa gilid ng sasakyan. Hinawakan ko kamay niya kaya napatingin siya sa akin. Ang weird niya ngayon.

"Tara na" sabi ko na ikinatango niya. Nakayuko lang siya habang naglalakad. Muntik na siyang mabangga sa isang estudyante at mabuti ay nahila ko siya.

Umupo kami sa bench dito sa field since maaga pa naman. Inakbayan ko siya at sumandal sa bench. Tahimik lang siya at parang tulala.

"Ma una na ako Ian. Wag mo na akong ihatid" pa alam nito at tumayo. Pipigilan ko pa sana siya pero mabilis siyang naka alis. Nagtaka naman ako. Ano bang ginawa ko?

****

Nandito ako sa labas ng classroom nila at hinihintay kung kailan sila lalabas. Kakatapos lang ng first class ko at siya hindi pa tapos ang first class niya. Lumabas ang prof na may hawak na stick.

"Have a seat mr. Arevallo" alok nito sa akin pero umiling lang ako. Tumango na lang siya at pumasok muli. Nakasandal lang ako sa pader. Ipinikit ko sandali mga mata ko.

May tumapik sa balikat ko kaya naimulat ko mga mata ko. Tumambad sa harapan ko siya. Nakangiti na ito. Di katulad kanina na tulala. Ang weird talaga niya.

Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon