Chapter Twenty-two

1.9K 54 1
                                    

[Chapter Twenty-two]
Ian

The confession was a successful one. I never thought that we have the same feeling. Buong buhay ko pinaniwalaan ko na ang ate Cassie niya ang iniligtas ko pero ang babaeng mahal ko ang iniligtas ko. Ang babaeng iniligtas ko ay nakita ko muli. Minahal ko ang babaeng iyon. She is mine now. I'm possessive when it come to my girl. Ayaw ko na may lumalapit sa kanya na lalaki. Maliban na lang kung kaibigan niya o kapamilya niya.

Bumaba na ako since susunduin ko si mom. Magpapasama sana ako sa kanya pero busy raw siya. Kaya ako na lang ang susundo kay mom. Kinuha kong susi ng kotse ko at umalis na sa bahay. Ihahatid ko muna siya bago sunduin si mom. Usapan kasi namin na akong ang hahatid at susundo sa kanya.

Nasa harap na ako ng bahay nila. Bumaba na ako at nag doorbell. Bumukas ang gate nila at tumambad sa akin ang ate niya.

"Pasok ka muna nag bibihis pa siya" saad nito at na unang mag lakad. Sumunod ako sa kanya. Umupo ako sa sofa ng makapasok ako. Bumaba ang mama niya agad akong tumayo at nag bow.

"Goodmorning po tita" bati ko. Ngumiti siya at sinenyasan ako na umupo. Umupo na ako at pati narin siya.

"Alam mo naman kung gaano ko o namin kamahal si Nicole?" Tumango ako bilang sagot.

"Sana ay wag mo siyang pa iyakin. Umiyak na yan noon" sabi nito.

"Pangako po hindi ko paiiyakin ang anak niyo. Mamahalin ko siya higit pa sapat" sabi ko at tumango siya. Nagpa alam siya na pupunta ng kusina. Napasandal na lang ako.

Ilang minuto ay bumaba na siya. Naka denim jeans ito paired with bouse at naka flat sandal. She is so beutiful.

"Tara na" nata uhan na lang ako nang mag salita siya. Tumango ako at tumayo. Nagpa alam muna siya sa mama niya bago kami lumabas. Pinag buksan ko siya ng pintoan bago sumunod.

Binuhay ko na ang sasakyan at nag simulang mag maneho. "Darling sorry if hindi kita masasamahan ngayon" narinig kong sabi nito. Nilingon ko siya at ngumiti lang. Ibinalik ko muli ang tingin ko sa daan.

Tahimik lang kami at tanging ang ingay sa labas lang ang naririnig namin. Any minute, we already arrived at school.

"Darling wala ako ngayon siguraduhin mong hindi ka lalapit sa iba. I have a spy to watch you" sabi ko at natawa siya. Nakita niya na seryoso ako kaya hinawakan niya kamay ko.

"Okay, wag kang mag alala ikaw lang naman ang lalaking lalapitan ko" sabi nito at hinalikan labi ko. Tumigil na siya sa paghalik sa akin at lumabas. Tinignan ko muna siyang makapasok bago umalis.

Medyo traffic narin kaya matatagalan ako bago makarating sa airport. Napatingin ako sa relo ko. 8:34 a.m na. Dapat nandoon ako before nine. Magagalit si mom pag hindi on time.

Medyo lumuwag na kaya sumisingit ako. Sakatong 9:00 ay dumating ako sa airport. Mamaya na ako lalabas kasi maraming tao. Ilang minuto ay nakalabas na siya. Wait----- bakit may kasama siya? Who is this guy?

Bumaba na ako at walang ekspresyon sa mukha. Napangiti si mom ng makita ako at ang estrangherong kasama niya. Niyakap niya ako pero wala akong kibo.

"I miss you anak" sabi ni mom at kumalas.

"Who is that guy?" I asked instead of saying 'I miss you too'. Halata sa mukha ni mom na may pagaalinlangan kung ipapakilala niya ito.

"Anak wag kang magalit ah" saad ni mom.

"Answer my question mom"

"He's your father" sabi ni mom na ikinagulat ko. The father who leave us for how many years. The father who left my mom broken. The father who leave my mother alone to raise me. At ngayon babalik siya. Babalik lang siya na parang walang nangyare. May parte sa akin na masaya pero mas nangingibaw sa akin ang galit. I'm mad that he just cameback like nothing happens.

Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon