Chapter Nine

2.2K 61 1
                                    

[Chapter Nine]
Ian

Natatawa lang ako kasi naalala ko tuloy ang pinagsasabi niya kagabi. Lasing na lasing siya. Ito pala ang nangyari kagabi.....

Pumunta kami kagabi sa bar. Pagpasok namin ang ingay na sa loob at marami nang mga tao. I notice her dancing with her friends. Lasing na ito. Nilapitan namin sila. Hinawakan ko ang wrist niya. Napalingon siya sa akin. "Why are you here? Lasing ka na ba?" Tanong ko. May sinabi siya pero hindi ko marinig. Hinila ko siya. Pinahila ko narin sa dalawa ang mga kaibigan niya.

Umupo kami sa isang table. "Bakit ka naglalasing?" Seryoso kong sabi.

"Wala lang just enjoying my damn life" sagot nito at tinaas ang kamay niya. Lasing na nga.

"Hindi mo ba alam na mapapahamak ka pag naglalasing ka. Are you-" hindi ko na natapos sasabihin ko kasi nakatulog na siya.

"Bro iuwi niyo na sila. Iuuwi ko lang siya" saad ko. Tumango sila at inalalayan na tumayo sila. Inakbayan ko si Nicole. Bigla itong nagising.

"Ano ka ba I'm enjoying my life" reklamao nito. Napa smirk na lang ako. Muntik na siyang matumba kaya agad kong hinawakan siya. May sundo pala mga kaibigan niya. Naka alis na mga kaibigan niya. Binuhat ko siya.

Kinuha ko ang susi sa sasakyan niya. Mabuti at wala akong dalang sasakyan. Nakisakay lang ako kay Justine. Hindi ko alam kong nasaan ang kotse niya. Tinap ko ang unlock button ng kotse niya. May umilaw na kotse agad akong lumapit doon. Isinakay ko na siya sa loob. Isinara ko na ang pintoan at sumakay.

"Ian, may crush ka ba sa ate ko?" Sigaw nito. Wala akong crush sa ate niya. Sa kanya hindi ko siya gusto kasi mahal ko na siya. Na realize ko this past few days na mahal ko na siya. Lumalala na ang feelings ko para sa kanya. I will confess to her soon.

Pina andar ko na ang kotse at umalis na doon. Pagdating sa bahay niya at nagbeep ako. Bumukas naman ang gate nila. Pinasok ko na ang kotse at pinarada sa garahe nila. Na una akong bumaba. Nagulat ang security nila.

"Lasing yung amo mo" saad ko.

"Akala ko po ay may group activity sila" nagtataka na saad nung security.  Nagpalusot lang siya. Malilintikan siya nito.

"Sa bar siya pumunta. Pakitawag nga pala kay manang Delia" Nalaman ko panggalan niya kasi nagpakilala siya. Pumunta ako sa kabila at binuhat siya.

"Taehyungggggg! Mahalll kitaa" sigaw nito habang pumapasok kami sa loob.

"Ian mahal ko si Taehyung. Siya lang ang immaginary boyfriend ko" saad nito at tumili.

"Diyos ko! Anong nangyari?" Alala na tanong ni manang Delia.

"Na lasing lang po" saad ko.

"Papa kahit may nabuntis kang iba mahal parin kita. Papa sana maibalik ko ang dati. Gusto ko ulit maramdaman yakap mo. Alam kong hindi na iyon mangyayari. Pero mahal kita papa. You are the best papa in the whole world. I love you papaaaa!" Saad nito at umiyak. Nakapasok na kami sa kwarto niya. Inihiga ko na siya. Umiiyak parin siya.

"Papa miss na kita. Gusto kitang mayakap" naiiyak na saad nito. Niyakap ko na lang siya. Patay na papa niya. So sad to hear that. Kumalas na ako. Nakatulog na pala siya. Hinalikan ko noo niya at kinumutan siya....

Bigla siyang sumulpot at may dalang tupper ware. Hindi ko muna siya pinansin at seryoso paring naglalaro.

"Thank you pala sa pag hatid sa akin. Here I made a torta for you" saad nito at inilahad ang tupperware sa akin. Inilagay ko ang controller sa lamesa. Kinuha ko ito at tinikman

"Ang sarap! Thanks" saad ko at kumagat muli. Umupo siya sa tabi ko. Nilingon ko siya. Ang lapit ng mukha namin. Napatingi  ako sa labi niya. Shit! Those lips. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili. Stop! Ian.

Natauhan naman siya at agad na lumayo. Umiwas siya ng tingin. Umiwas narin ako at napa smirk.

"Ma una na ako" pa alam nito.

"Sandali! Labas tayo" anyaya ko. Ewan ko bat gusto ko siya kasama.

"Saan?" Tanong nito.

"Saan mo gusto" sagot ko. Tumango naman siya. Nag bihis na muna ako. Sumakay na kami sa kotse ko. Nagpa alam muna siya sa yaya niya sa pagitan ng pagtawag.

"Ian pwede bang magtanong?" Tanong nito. Tumango ako.

"Ano yung mga sinabi ko kagabi?" Tanong nito. Hindi ko alam kong matatawa ako o iiyak.

"You just shout and cried" saad ko.

"Umiyak ako? Sumigaw ako? Ano yung sinigaw ko at dahilan ng pag iyak ko?" Sunod na sunod na tanong nito.

"Yes you cried. Yes you shout. Sinabi mo na miss mo na papa mo at mahal mo raw si Taehyung" sagot ko.

"Sinabi ko yun?" Paninigurado niya. Tumango ako.

"Mahal ko naman talaga si Taehyung. Miss ko narin si papa" saad nito.

"Gusto mo puntahan papa mo?" Tanong ko. Tumango naman siya. Pumunta kami sa sementeryo kung saan inilibing papa niya. Inalalayan ko siyang bumaba. Hawak niya ang isang bulalak na binili namin kanina.

Nasa harap na kami ng puntod  ng papa niya. Umupo siya at nilinis ang puntod. Nagsindi na siya ng kandila at inilagay ang bulalak sa gilid. Umupo siya sa damo. Tumabi naman ako sa kanya.

"Papa kumusta ka na? Miss na kita" bigla siyang umiyak. Pinulupot ko kamay ko sa braso niya. Pilit ko siyang pinapatahan.

"Papa gusto ko na makasama ka muli. Miss ko na panahon na kinukwentuhan mo ako ng stories. Nung gumagawa tayo ng torta. Lumalabas at gumagala. Mga yakap mo. Mga boses mo. Kahit may mali kang nagawa hindi iyong naka bawas ang pagmamahal ko sayo. Hindi mo na matutungahayan na naka graduate ako ng college. Magkaroon ng trabaho. At yung pangarap natin na sabay tayong maglalakad papasok sa simbahan. Upang ibigay ang kamay ko sa lalaking mahal ko. Pa kahit wala ka man sa tabi ko nandito ka naman sa puso ko. Hindi naman kita makakasama alam kong nasa tabi ka sa amin. Papa mahal kita at ikaw ang da best papa in the world!" aniya at umiyak. Niyakap ko siya para mapatahan siya.

"Tahan na" saad ko hinimas likod niya. Kumalas na siya sa pagkayakap at pinunasan ko ang luha niya.

"Thank you for being here with me Ian" saad niya. Ngumiti lang ako. Tumambay muna kami ng saglit sa puntod ng papa niya. Nagpa pasyahan namin na mamasyal muna kami sa park.

Dumating na kami sa isang park. Walang ka tao tao rito. Ito ang  tambayan ko minsan pag na babad trip ako.

Umupo kami sa isang bench. Ang lapad ng ngiti niya sa tanawin. She is so beutiful.

"Bakit mo ako dinala rito?" Biglang tanong niya.

"Wala lang. Saksi kasi ang lugar na ito sa pagmamahalan ng lolo at lola ko. Sabi nila na nag simula sa larong truth or dare ang kwento nila. Hindi nila inaasahan na nahulog sila sa isa't isa. Sa pagitan ng laro nahanap nila ang mahal nila" kwento ko.

"Ang unique naman ng love story nila" saad nito at ngumiti. Sana masabi ko na ang nararamdaman ko. Ngunit hindi muna ngayon.....

******
Enjoy Reading and Thank you for reading!
-CuteyyComet

Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon