[Chapter Five]
IanHinila ko siya at idinikit sa pader. Nagulat siya at kinakabahan. Hindi ko naman siya hahalikan. May ipaalala lang ako sa kanya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.
"Nandoon si Neil. Alam mo na gagawin mo" bulong ko. Binitawan ko na kamay niya at humakbang paatras. Napahawak siya sa puso niya. Akala niya siguro hahalikan ko siya.
"Akala mo siguro na hahalikan kita noh?" Pangaasar ko. Nagulat siya sa tinanong ko.
"H-hindi ah! Assuming ka lang unggoy" natataranta na sagot nito. Natawa lang ako sa sinabi niya. Teka! Unggoy? Sinong unggoy?
"Sinong unggoy?" Tanong ko.
"Malamang ikaw" saad nito at natawa. Na inis na talaga ako. Ang guwapo ko tas tatawagin niya ako ng unggoy.
"Tara na unggoy. Hinahanap na tayo nila" natatawa na sabi nito at lumabas. Sumabay na ako sa kanya. Malapit na kami sa music room. Dalawa ang music room. Yung isa doon nakalagay ang mga instrument. Dito naman ang practice room o meeting room.
"Sandali" saad ko at inakbayan siya. Na gets naman niya. Sabay kaming pumasok doon. Nagbulong bulongan naman sila. Mas nilapit ko si Nicole. Nanlaki naman ang mata ni Neil. Nag seselos na si bakla.
"Ian bitawan mo muna si Nicole kailangan ko siyang makausap" utos ni mr. Arnold. Tumango ako at hinalikan cheeks niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Bumitaw na ako at sumunod na siya kay mr. Arnold.
Umupo ako sa gilid na may bakanteng upuan. Kumuha narin ako ng isa para sa kanya. Kailangan kong maging sweet para maging effective.
Tapos na silang mag usap. Bumalik na siya uupo sana siya sa sahig pero lumapit ako sa kanya at hinila siya. Umupo na ako sa upuan. Umupo narin siya. Inakbayan ko siya. Nakatingin lang ang lahat sa amin.
"Okay so we will start" naalis na ang atensyon nila sa amin. Panay ang pag siko niya sa akin.
"Bakit babe?" Bulong ko. Inaasar ko talaga siya.
"Iaalis mo nga yang kamay mo" inis na saad nito. Hindi ko na siya pinansin at nakinig kay mr. Arnold.
"I am happy that meron ng pumapasok dito sa class ko. Thank you sa inyo" tugon ni sir at ngumiti. Ngumiti lang naman sila. Panay ang pagtingin ni Neil sa amin.
"Babe nauuhaw ako. May tubig ka ba diyan?" Bulong ko. Napatingin siya sa akin ng masama.
"Ano ka bata? Bumili ka ng sayo" saad nito. Hindi ko na siya pinilit pa at nakinig na lang kay sir.
"Si Nicole ang class president since matagal na siya sa class ko. At wag kayong mag alala hindi ako strikto" saad ni sir.
"So ito mga songs na pinili ko. Kailangan niyong gumawa ng cover individual yan ah" saad ni sir. Binigyan niya kami ng paper. Tinignan ko yung akin. May be the night by Ben & Ben Tinignan ko yung sa kanya. I love you 3000 by Stephanie Poetri.
Napangiti naman siya. Ibinulsa ko yung papel. "Okay deadline ng pag pass ay next week. Class dissmiss" saad ni sir. Tumango lang ang ilang at lumabas na sa room.
Lumapit sa amin si Neil. Masama ang tingin sa amin. "Ian, joke lang naman toh diba?" Inis na tanong nito.
Tumayo siya at tinarayan. "Joke ba ang tawag mo sa amin? Can't you see ang sweet nga namin tapos joke lang" taray na saad ni Nicole. Tumayo na ako sa tabi ni Nicole.
"Ikaw na nga ang nagsabi kanina na joke lang at may-" hindi na siya nakatapos dahil sumapaw agad si Nicole.
"Joke lang din yung sinabi ko. I'm in love with Ian and Ian is in love with me. Understood?" saad nito. Napangiti ako kasi sumasabay na siya. Hindi na nakapagsalita si Neil.
BINABASA MO ANG
Fake Girlfriend
RomanceNicole's life was very simple and peace. Not until she became a fake girlfriend of Ian, a musician.