Chapter Twenty-One

1.9K 69 0
                                    

[Chapter Twenty-one]
Nicole

This past few days kasi weird ang mga tao sa university. Ngumingiti sila pag dumadaan ako. Ewan ko parang may magaganap na hindi ko nalalaman. Kahapon hindi ako nakapasok sa music class kasi bawal daw ako pumasok. May nakatayong stage sa field na ipinagtaka ko. Nagtatanong ako kong para saan yun hindi nila sinasagot. Pag naeencounter ko si Ian umiiwas siya. Ang tagal ko kasing na realize na gus---- mahal ko na pala siya. Malalim na ang pagkahulog ko at mahirap ng bumangon. Ahh--- basta ang weird ng mga tao.

Bumalik na ako sa kwarto since tapos na akong kumain. Hindi pa ako nakabihis. Naka pambahay pa ako. Umupo ako sa aking higaan. Kinuha ko ang phone ko. Maaga pa naman kaya hihiga muna ako. Bago pa man ako makahiga ay pumasok si ate may headband siyang hawak. Rose ang designa sa head band.

"Hindi ka pa magpapalit?" Tanong nito at tumango ako.

"Magpalit ka na. Tara samahan kita" saad nito at hinila ako. Umupo ako sa upuan dito sa walk-in closet ko. Tinitignan ko lang ai ate na namimili ng maisusuot ko. Ilang minuto ay nakapili na siya ng dalawang dress.

"Alin ang gusto mo dito?" Tanong ni ate at ipinakita ang dalawanh dress. Off shoulder rose na dress ang isa at off shoulder sunflower dress naman ang isa.

"Ikaw" saad ko. Ewan ko kung bakit ako pinapasuot ni ate ng ganito. Hindi ako hilig sa dress. I only wear it when my occation.

"Well same lang naman silang off shoulder. I preffer this sunflower off shoulder cause yung head band mo ay rose" sabi nito kaya tumango ako. Kinuha ko na sa kamay niya ang dress at pumasok sa cr. After kong isuot ito ay lumabas na ako. Na abutan ko si ate nasa mga heels ko. Kinuha niya ang color peach na heels. Hindi naman gaano mataas ang takong nito.

"Wear this" saad nito at ibinigay sa akin ang heels. Sinuot ko na lang ito. After I wear the heels, I look at the mirror. I look so beutiful.

"Hali ka rito" saad ni ate na nasa make up area ko. Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan. "You need some magic" sabi nito at itinali ang buhok ko. Nagsimula na siyang make up-an ako. Yung light lang naman. Inalis na niya ang pagkatali sa buhok ko at kinuha ang curler. Kinulot niya ang babang part sa buhok ko.

"Done!"  Nakangiti na sabi ni ate. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ako ba toh? Ang ganda ko naman. Hindi naman sa ano ah pero ang ganda ko. Minsan lang akong mag kulot. Teka! Anong bang meron?

"You look so beutiful" sabi ni ate. Nagsuot ako nang rose na hikaw. May binigay na sunflower at rose na bracelet. Nabili niya raw ito sa Korea.

"Tara na" sabi ni ate. Sabay kaming  lumabas sa kwarto at bumaba. Naka upo sa sofa si ate Vanessa  at kuya. Napangiti sila nang makita ako. Ngumiti lang ako. Ang weird talaga.

"Tara baka ma late ka pa" sabi ni ate at lumabas ng bahay. Naka handa na ang kotse.

"Ate anong meron?" Nagtataka kong tanong. Kanina pa ako walang ideya eh. Wala namang okasyon na mangyayari.

"Malalaman mo rin" sagot nito at pinasakay na ako sa kotse. Wala na akong magawa kundi sumakay. Ngumiti sa akin si ate. Umalis na kami sa bahay.

Napatigil muna kami sandali kasi naka stop light. "Ma'am pinapaabot ni ma'am Cassie" sabi ni manong sabay bigay ng sobre.

"Para saan toh?" Tanong ko. Bakit naman ako bibigyan ng sobre?

"Di ko alam ma'am" sagot nito. Kinuha ko na lang ito at binuksa. May papel sa loov kaya binuklat ko iyon.

"THIS IS THE DAY TO TELL THE TRUTH. TELL HIM THAT YOU LOVE HIM. GOOD LUCK!"

Iyan ang naka sulat sa papel. Ano na naman toh? Wala talaga akong ideya ni kahit konti. Poor me talaga.

Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon