[Chapter Twenty-Seven]
IanIlang minuto na ang lumipas pero hindi parin siya bumabalik. Iba na ang pakiramdam ko. Tumayo ako at pumunta sa cr. Nasa harap ako ng female's cr. Kumatok ako ng ilang beses pero walang bumukas. Nanginginig na ang kamay ko. Hinawakan ko ang door knob at pilit na buksan ito pero hindi ito bumubukas.
Wala na akong naririnig na boses mula sa loob. Wala na akong magawa kundi ibangga ang sarili ko sa pinto. Sumasakit na ang braso ko pero wala lang yun sa akin. Pa ulit ulit kong itong binabangga pero wala eh. Dumating yung manager. Agad kong hinihingi ang susi at agad niyang binigay.
Nanginginig ang kamay ko habang binubuksa. Bumukas na ito. Agad akong pumasok sa loob. Nadatnan ko siya na nakahiga sa sahig at walang malay. Agad ko siyang binuhat at lumabas roon. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong paki alam.
Agad ko siyang sinakay sa kotse. Bago pa ako makapasok ay may nakita ako na lalaki at nakamaskara ito. Tinanggal niya ang maskara pero hindi ko nakita kasi humarang yung truck. Pag alis ng truck ay wala na siya. Sumakay na ako at binuhay ang sasakyan. Wala parin siyang malay.
Andami ng nasa isip ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Dumating na kami sa ospital. Agad ko siyang kinarga at agad na pumasok. Napayuko ang lahat ng pumasok ako. Isa sa mga investors ang lolo ko sa ospital na toh.
Isinkay na siya sa gurney(parang bed na may wheels). Hawak ko lang ang kamay niya habang papasok sa emergency room.
"Sir hanggang dito na lang kayo" sabi nung nurse. Tumango na lang ako. Shit! Ano ba ang nangyari? Yung lalaking naka mask ba ang may dahilan? Fuck! Maghintay lang siya magagantihan ko rin siya.
Umupo ako sa upuan dito sa gilid. Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang kamay ko. Shit! Pag may nangyaring masama sa kanya sisishin ko talaga sarili ko. God please, save her. God please, please, please.
"Bro!" Napa angat ang tingin ko sa tumawag sa akin.
"Bro kumusta si Nicole?" Hinihingal na tanong ni Ed.
"Diko pa alam" sagot ko. "Bro may hinala kami na tao sa likod ng mga nangyayari" seryoso na sabi ni Justine. Napatingin ako sa kanya.
"Sino?" Tanong ko.
"Naalala mo pa ba si Raze?" Tanong ni Edriel. I juts nod. Raze my old friend. Well siya ang sumira sa friendship namin.
"Bro, pag alis niyo kanina. Nakita ko si Raze nakangisi na nakatingin sa sasakyan. Nang makita niya kami, nagsimula siyang maglakad. Hinawakan namin ang braso niya ng hinabol namin siya pero agad niyang inalis. May sinabi siya huli bro" kwento ni Justine.
"Anong sinabi niya?"
"Patikim lang muna yun. May mas malala pa don" sagot ni Ed. Nangangamba ako sa posible na mangyari.
Lumabas na ang doctor mula sa emergency room. Tumayo agad ako para salubongin ang doktor.
"Doc, how is she?"
"She's fine" sagot ng doctor. Nakahinga ako ng maluwag. Thank's god.
"Ano bang nangyari bat bigla siyang nawalan ng malay?" Tanong ng doctor.
"I don't know" sagot ko. Tinapik ng doktor ang balikat.
"O siya, makakauwi na siya bukas" sabi ng doctor at tumango ako. Pumasok muli siya sa emergency room.
"Bro, I think Raze wants revenge" sambit ni Justine. Muling nanumbalik sa akin ang isang alaala....
Walong taong gulang pa ako. Nasa farm ako ng family namin. Umakyat ako sa puno ng mangga. Pinitas ko ang isang piraso. Pero sa kasamaang palad nahulog ako. Napahawak ako sa pwet ko. Ang sakit ng pwet ko.
BINABASA MO ANG
Fake Girlfriend
RomanceNicole's life was very simple and peace. Not until she became a fake girlfriend of Ian, a musician.