Chapter Nineteen

2K 62 2
                                    

[Chapter Nineteen]
Nicole

Ewan ko bat naiinis ako nang pumunta siya rito. May parte sa akin na gusto ko siyang makita pero naiinis ako. Mas nainis pa ako nang magkausap sila ni ate. Wala akong nararamdaman sa kanya pero bakit ganito ako? Wala nga ba akong nararamdaman? Aishhh! Ginugulo na naman niya ako. Yung lalaki na yun talaga.

"Anak ayos ka lang ba? Bakit hindi mo pa ginagalaw pagkain mo?"  Natauhan na lang ako nang tanongi  ako ni mama.

"Ayos lang ako ma" sagot ko at ngumiti. Nagsimula na akong kumain.
Pagkatapos kong kumain ay umupo muna ako sa sofa. Sasabay daw ako kay kuya. Katabi ko si ate Vanessa. Nanood parin siya ng pelikula.

"Ate, paano mo malalaman kong mahal ka ng lalaki?" Tanong ko at napalingon sa akin.

"May lalaki ka bang nagugustuhan?" umiling ako. Natawa si ate ng mahina.

"Ate!"

"Sige na, siguro kung may kakaiba sa kilos niya. Nagpapakitang gilas sa mga magulang mo. Naging sweet sayo" sagot nito kaya napatango ako.

"Bat di mo tanongin sa kanya?" saad ni ate. Napatango na lang ako.

"Ma una na ako ate" pa alam ko at tumango siya. Hinalikan muna ni kuya ang noo ni ate Vanessa bago sumabay sa akin.

Sumakay ako sa kotse. Nasa back seat ako kasi nasa tabi ni kuya si mama. Sasabay pala siya sa amin.

"Anak anong plano mo after graduation?" Tanong ni mama. Last year ko na to sa college. Ang course ko ay business and management. Dapat kasi nursing ang kukunin ko pero ayaw ni mama sa course na yun. Wala akong choice.

"I've been planning to have a coffe shop" sagot ko.

"May bake shop tayo anak yun na lang ang asikasuhin mo. Matanda narin ako" saad ni mama na sinagot ko ng tango.

Dumating na kami sa school. Nagmano muna ako at hinalikan ang cheeks ni mama. Ngumiti lang ako kay kuya na tango lang ang ginawa. Lumabas na ako sa sasakyan.

Nag text sa akin si Chloe. "Meet us at campus café". Agad akong nagtungo sa campus café. Nakita ko sila naka upo sa dulong table. Umupo ako sa tabi ni Marian. Umiiyak si Fatima.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Broken hearted si Fatima" sagot ni Marian.

"Litse yung lalaki na yun. Pinaasa niya ako. Ginawa ko lahat ng thesis niya. Tinulongan ko siya at ito lang gagawin niya. Iiwan niya ako" may galit sa boses nito ang pag sambit nito.

"Nicole ano ang advice mo?" Tanong sa akin ni Chloe.

"Move on. Muling bumangon. Kalimutan siya mag simula muli. Magsimula nang bagong umaga nang wala siya. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo duh. Dapat masaya ka nga dahil nawalan ka nang lalaking manloloko. Ano siya para iyakan? Diyos? Magulang mo?" Sabi ko. Nadala ata ako sa emotion ko.

"Tama siya, dapat maging masaya ako. Magsisimula ako muli. Babangon para sa kinabukasan!" Buong tapang na sabi nito at pinahid ang huling luha nito gamit ang kamay. Nagtawana naman kami. Swerte talaga ako.

Pumasok na kami sa first class. Himala walang Ian ang gumulo sa umaga ko. Asan kaya yung mokong na yun? Bakit ko ba siya hinahanap? Umupo na lang ako sa upuan ko. Nandito narin si Travis. Ngumiti ako nang nilingon ko siya. Ngumiti lang naman siya. Parang hindi awkward sa akin an maka usap at makasama mo muli ex mo. Parang dati lang yung mag kaibigan lang kayo. Malaya kayong mag usap. I consider Travis as my friend. Naniniwala ako na makakahanap rin siya ng babae  na para sa kanya.

"Goodmorning class" bati ng prof. Umayos na ako ng upo at itinuon ang atensyon ko sa lesson ni prof.

"Okay, so may group project kayo. Kailangan niyong i explain ang ibibigay ko sa inyong topic. Let's stick sa spanish colonial period. So group yoursel'ves into five.  As usual kaming apat ang mag ka grupo pero lima ang kailangan eh. Napatingin ako kay Travis na naghahanap ng ka grupo. Napatingin ako sa iba. May ka grupo narin sila.

Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon