[Chapter Twenty-Six]
NicoleLumabas na ako ng classroom since tapos na ang class ko. Last class na toh so uwian na. Wala yung mga kaibigan ko kasi pumunta sila sa mall. Bawal naman ako sumama dahil ayaw ni Ian. Mas hinigpitan ang seguridad sa school dahil sa narecieve kung threat. Pati bahay naming dinagdagan ng body guard.
Dumiretso ako sa parking lot kung nasaan siya. Nangako kasi siya na pupunta kami a penthouse niya. Dali dali akong lumapit sa kanya. Napangiti siya ng makita niya ako. Niyakap ko siya. Kumalas na ako.
"Tara na" sabi ko at hinila siya papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako kaya sumakay na rin ako. Sumunod siya sa akin. Binuhay na niya ang makina at umalis na kami. Medyo malayo raw ang penthouse kaya matutulog na muna ako.
Inimulat ko mga mata ko. Huminto na ang sasakyan. Napatingin ako sa kanya na nakatingin rin sa akin. "Andito na ba tayo?" Tanong ko at tumango siya. "Kanina pa?" Tanong ko ulit at tumango siya. "Bat di mo ako ginising?. Tama naman ako diba sana ginising niya ako
"Hindi na kasi natutulog ka at gusto ko pagmasdan kang natutulog" sabi nito at uminit pisngi ko. Umiwas ako ng tingin at lumabas sa kotse. Naramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko. Inakbayan niya ako at sabay kaming pumasok sa loob.
Namangha ako sa laki ng penthouse niya. Malaki ang salas at kusina. Pa ikot ang hagdan nito pataas. Umupo ako sa sofa at ang comfy nito. "Like the place huh?" He asked and I nod. Pumunta siya sa taas para mag palit. Tumayo ako at pumunta sa balcony. Naka harap ito sa dagat. Dinama ko ang sariwang hangin. Tunog lang ng alon sa dagat ang naririnig ko. Palubog na ang araw kaya kahel na ang kalangitan.
"Darling" tawag niya. Naramdaman ko na niyakap niya ako mula sa likod. May kuryente na dumaloy sa spine ko. "Let's cook darling" bulong nito. Marahan akong tumango. Humarap na ako sa kanya. Ang lapit ng mukha naming. Agad niya akong hinalikan pero smack lang. Namula na talaga ako. Pumunta na kami sa kusina. Kinuha ko ang mga sangkap na gagamitin ko. Chopsuey at pork picadillo ang lulutuin. Nagsimula na ako sa paghihiwa at siya.
Pagkatapos naming sa pagluluto at inihanda na naming ang lamesa. Naghugas muna ako ng kamay bago nagsimulang kumain. Tahimik lang kami habang kumakain. Nagulat ako nang itinapat nya sa akin ang kutsara na may lamang pagkain. Susubuan niya ba ako? Malamang Nicole.
"Say ahhh darling" sabi nito. Natatawa ako. Ginagawa niya akong bata. Pinagbigyan ko na siya. Binuka ko na bibig ko at isinubo na niya ang pagkain. Napangiti siya ng nginuya ko ang pagkain.
"Ginawa mo akong bata" naka pout ko sabi. "Cause your my baby" uminit pisngi ko sa sinabi niya. Iba talaga ang epekto ng mga sinasabi niya.
Pagkatapos naming kumain ay hinugasan namin ang mga pinag kainan namin. Nag punas ako ng kamay ng matapos na kami sa paghuhugas. Na una na siya kasi ihahanda daw niya ang movie na papanoorin namin.
Pumunta ako sa salas. Naka upo na siya. Nang magtama mga mata namin ay ngumiti ako. Umupo na ako sa tabi niya.
"Ano papanoorin natin?" Tanong ko at kinuha ang phone ko. Malapit na pala mag alas otso ng gabi.
"The Conjuring" sagot nito at nagulat ako. Ayaw ko manood ng mga horror movies. Naalala ko nung bata pa ako na nood kami ng horror movie. Halos hindi ako makatulog dahil naiisip ko na baka nasa tabi ko na ang ghost. Simula nun bihira na ako manood.
Napansin niya na parang ayaw ko. "Do you want me to change? Parang takot ka" medyo nababahala na sabi nito. Baka gusto niya ang palabas na ito. Palagi niya ako pinagbibigyan. Time na para siya naman ang pagbigyan ko.
"A-ayos lang" pinigilan kong ma utal para hindi niya mahalata na takot ako. Tumango siya at inilapit ako sa kanya. Nanginginig ang kamay ko pero hindi ko pinahalata. Halos madurog ko na ang chips na hawak ko sa takot. Biglang nagpakita yung multo ng bata at sinapian ang babae kaya napasigaw ako. Napayakap ako sa kanya. Isinubsub ko mukha ko sa dibdib. Hindi ko kaya. Takot na ako.
BINABASA MO ANG
Fake Girlfriend
RomanceNicole's life was very simple and peace. Not until she became a fake girlfriend of Ian, a musician.