[Chapter Fifteen]
NicoleAno bang ibig niyang sabihin? Anong ginawa ko sa kanya? Hindi ko naman siya sinapak. Pinagsalitaan ng ano. Hindi ko naman siya binash. Hindi ba? Aishhh! Bakit ko ba iniisip toh? Ang isipin ko ay yung pag aaral. Tama pag aaral ko yung isipin ko.
Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at sumigaw. Kahapon pa lang iyon nangyari. Pero hanggang ngayon nasa isip ko pa. Kinuha ko ang libro ko para mag aral roon. Hindi ako makapag focus dahil siya parin ang laman ng isip ko. Inihagis ko ang libro ko. Teka! OA ka na Nicole. Pinakalma ko sarili ko.
"Nicole, kain na" tawag ni kuya. Hindi ako sumagot at isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Narinig ko ang mga yapak ni kuya papasok sa kwarto ko.
"Ayos ka lang?" Tanong nito at umupo sa kama ko. Hindi ako sumagot at umupo nang maayos.
"May bumabagabag ba sa iyo?" Tanong pa nito. Umiling na lang ako at yumuko.
"Kilala kita Nicole pag may problema ka nanahimik ka lang. Sabihin mo na" giit ni kuya. Bigla na lang akong napayakap kay kuya. Sa dami kong iniisip nakalimutan kong nandito pa pala kuya ko.
"Kung ayaw mong sabihin ayos lang" sabi ni kuya at niyakap ako. Ang swerte ko kasi may kuya akong mapagmahal. Kahit wala na akong papa meron naman akong kuya.
"Kain na tayo" saad ni kuya. Tumango na lang ako at kumalas sa pagkayakap. Sabay kaming bumaba. Nasa pinakadulo si kuya habang ako nasa kaliwa niya.
"Kailan pala ang uwi nila mama?" Tanong ko. Ilang linggo na kasing lumipas wala parin si mama.
"Ang alam ko ngayong Sabado. Susunduin natin sila. Pero hindi pa ako sigurado" sagot ni kuya. Napatango na lang ako.
"May party ako bukas ah. Susulitin ko ang araw na wala si mama. Kasi hindi niya ako papayagan na mag party" sabi niya pa. Tumango na lang ako.
"Pakisabi kay Ian na pumunta siya ah" habol pa niya. Umiling ako kasi ayaw ko siyang maka usap.
"Sige na" pagmamaka awa nito. Hindi naman niya ako titigilan eh. Tumango na lang ako at pumunta sa balcony. Dinama ko ang malamig na hangin. Siguro kailangan ko munang bigyan ng oras ang sarili ko. Puro ibang tao ang iniisip ko. Nawawalan na ako nang oras sa sarili ko.
"Sorry" biglang sambit ni kuya na nasa gilid ko. Nagtaka naman ako. Nagsasabi siyang ng sorry sa akin. Wala naman siyang ginawang masama.
"Para saan?"
"Nag sinungaling ako sa inyo" pagaamin nito.
"Ha?"
"May nabuntis akong babae sa Palawan" naramdaman ko ang paghikbi nito. Umiiyak ba siya? Teka! Anong sabi niya? Kahit klaro sa akin ay gusto kong ulitin niya.
"May na buntis ako" ulit nito.
"Bakit? Paano? Kailan?" Sunod na sunod na tanong ko. Malalagot talaga siya kay mama nito.
"After nung business trip ay pumunta kami sa isang bar sa Palawan. After nun ay nagising na lang ako na may katabing babae. Pagkatapos ng ginawa namin ay hindi na kami nagkita ng ilang araw. Nagulat na lang ako isang na nagpakita siya at umamin na buntis ko siya. Hindi ko alam gagawin ko sa mga panahong iyon kaya binigyan ko siya ng salapi at sinabi na alagaan muna ang bata. Babalikan ko siya pag handa na ako" kwento nito.
"Sana sinama mo siya rito" sambit ko. Napatingin siya sa akin at nakakunot ang noo.
"Para alam mong ligtas at maayos ang kalagayan niya. Pag nasa Palawan siya hindi mo alam" dagdag ko.
"Babalikan ko rin siya" saad nito at umalis. Na iwan akong mag isa rito sa balcony. Umupo ako sa upuan. Pinagmasdan ko ang kalangitan. Bakit ang daming problema ko? Una yung mga sinabi ni kuya. Pangalawa yung si Ian at marami pang iba. Siguro hindi ko muna iisipin yun ang isipin ko ay ang sarili ko. Kailangan ko pa gumawa nang paraan upang maka usap siya. Bakit pa kasi iniinvite pa siya? Aishhh! Naiinis na ako
BINABASA MO ANG
Fake Girlfriend
RomanceNicole's life was very simple and peace. Not until she became a fake girlfriend of Ian, a musician.