Bituin

115 2 0
                                    


Nakatingin sa mga nagliliwanag na bituin sa kalangitan,
Kay sarap mang pagmasdan,
Lungkot naman ang nararamdaman,
Dahil ang dating mga bituing nagbibigay liwanag sa kadiliman ay napuno na ng mga alaalang hindi makalimutan.
Humihiling sa mga bituin,
Kahit ngayon lang, sana'y ikaw ay muling mapasakin,
Ako'y iyong yakapin,
Mahigpit, sobrang higpit na parang hindi mo na ako muling papaasahin.
Sa mga salita,
Salitang naging inspirasyon upang makabuo ng mga tula,
Naging isang makata,
Maalayan ka ng mga akdang puno ng mga katanungan kung bakit ba,
Bakit ba lumisan ka,
Bakit ba kailangang masaktan ng sobra,
Bakit ba ikaw pa rin sinta,
Letra at tugma,
Binuo ang nagiisang paksa,
Walang iba, kundi ikaw sinta.
Walang ibang maisip na inspirasyon,
Buong atensyon ay sayo pa rin nakatuon,
Inabot na ng linggo,buwan at taon,
Kailan ba tayo muli mabibigyan ng pagkakataon?
Sa mga bituing nasisilayan sa gitna ng kadiliman,
Hindi pa rin makita ang tamang daan patungo sa kalayaan,
Kalayaang makawala na sa nakaraan.
Nakaraang lumipas,
Kung saan ay pinagmamasdan natin ang mga bituin kasabay ng panibagong bukas,
Yan ang mga bakas,
Bakas ng pagmamahal sayong walang kakupas kupas.
Ikaw rin ba ay nakatingin sa mga bituin?
Minsan ba'y nagalala ka rin sa akin?
Minahal mo ba talaga ako?
Umaasa ako,
Sagutin mo ng totoo,
Diretsahin mo dahil hindi to katulad sa daang puro trapiko,
Minahal mo ba ako?
O wala lang talaga ako para sayo?
Maraming katanungan,
Hindi mabigyan ng mga kasagutan.
Mahirap bang bigyang sagot ang pinaka-unang tanong na nakakagulo sa isipan?
Sinta,bakit mo ako iniwan?
May daan ba pabalik sa dating tayo?
May lugar ba sa kung saan iikot na sa akin muli ang iyong mundo?
Ang hirap naman kalimutan ng isang gaya mo,
Parang hindi lang taon ang aabutin nito,
Sinta, mahal pa rin kita bakit ba ganto,
Ikaw at ikaw pa rin ang bagsakan ko,
Kaya nama'y pwede na rin kitang maihalintulad sa mga bituin sa kalangitan,
Katulad mong minsang nagbigay liwanag sa mundo kong hindi makatakas sa kadiliman,
Kay sarap mo ring pagmasdan pero lungkot at sakit rin ang nararamdaman.
Para kang isang bituin,
Sa sobrang layo mo ang hirap mo nang abutin para muling mapasakin,
Nandyan ka lang pero hindi kita muling magawang angkinin.
Kaya nama'y kahilingan sana'y tuparin,
Kahit sa isang saglit ay muli kang maging akin,
Kahit sa isang saglit ay muli mo akong yakapin kahit na kinabukasan ay lilisan ka rin,
Kahit sa isang saglit, magsilbi kang muling bituin para sakin,
Kahit na alam nating dalawa na paglipas ng gabi,
Mawawala kang muli kasama ang liwanag mong nagbibigay kulay sa madilim kong mundong tumatakbo pa rin sa nakaraan natin.

Ikaw ang PaksaWhere stories live. Discover now