Eto na ang panahon na itinakda,
Kung saan ang tadhana na mismo ang nagakda,
Na kung dati ang ikaw at ako ay pwede pa,
Eh ngayong nagtatapos na.Ako na ang tatapos sa istorya nating ikaw ang nagsimula,
Ako na ang tatapos sa istorya nating masaya lang sa umpisa,
Ako na ang tatapos sa istorya nating noong una ay napakaganda,
Ako na ang tatapos, dahil sa huli masakit na alaala lang rin naman pala ang matitira.Masaya ako? Oo, syempre dahil sayo,
Masaya ka? Oo, syempre pero dahil kanino?
Talaga bang masaya ka dahil kausap mo ako?
O sadyang masaya ka lang dahil may babaeng katulad ko na nagpapakatanga sayo?Umasa ako na sa huli baka pwede pa ang 'tayo',
Umasa ako dahil nagpakita ka ng motibo,
Pero anong nangyare noong umasa ako?
Eto sa bandang huli ay luhaan dahil ikaw ay biglang nagbago.Alam ko na lahat nagbabago,
Oo, tama ka na walang permanente sa mundo,
Kaya patawad kung tatapusin ko na ang istoryang sinimulan mo,
Ayoko nang maging tanga sa isang katulad mo para lang bumalik ka at sabihin na 'Pasensya na, eto na nagbabalik na ako.'Masyadong masakit nung nagbago ka at iniwan mo akong nagiisa,
Pero anong magagawa ko kung ayaw mo na talaga?
Una palang dapat hindi na ako umasa,
Kaya ngayon hahayaan nalang kita dahil doon ka masaya.Dito ko na rin tatapusin,
Dahil ang mahalin mo rin ako ay hindi na pwedeng pilitin,
Nagbago ka at tanggap ko na,
Kaya dito na nagtatapos ang istorya nating dalawa kung saan sa una lang masaya at sa huli ay mauuwi lang din ang lahat sa alaala.

YOU ARE READING
Ikaw ang Paksa
PoetryMga salitang hindi nasabi sayo. Mga tulang inaalay sa aking mundo. Ikaw ang mundo ko.