Paano ko nga ba sasabihin sa iyo ang katagang 'mahal kita',
Paano ko nga ba maibabalik ang dati kung masaya ka na,
Paano ko tatanggapin na wala ka na,
Paano kita mamahalin kung ayaw mo na.Mahal, bakit kailangang itigil na?
Bakit ako lang yung lumuluha?
Bakit mo ako iniwan sa gitna?
Bakit nagbago ka nalang bigla?Iniwan mo akong nagiisa,
Nagtatanong sa sarili kung may pagkukulang ba,
Pinaramdam mo sa akin ang kakaibang saya,
Pero kaakibat noon ay ang mga luhang tumutulo sa tuwing maaalala ka.Hindi ko manlang nasabi sayo ang tunay na nararamdaman,
Hindi ko manlang nagawan ng paraan,
Natakot na baka ako ay lalong masaktan,
Lalo na't nagbago ka at hindi mo manlang inalala ang masayang nakaraan.Ngayon ay nagbabaka-sakaling maibalik ang kahapon,
Sa kahapong hindi ako maka-ahon,
Subukan mo namang tumingin sa akin pabalik at sa dagat ay tumalon,
Mahal,sobrang lalim ng pagmamahal ko sayo, baka naman pwede mo akong tulungang malagpasan ang bawat alon?Sa bawat oras na nauubos,
Ang isip at puso'y nagtutuos,
Kanino nga ba ang nararapat na masunod ang utos,
Sa isip na nagsasabing tama na dahil iyo na rin namang tinapos,
O sa pusong sa pagmamahal mo'y nanglilimos dahil mahal kita ng lubos.Naguguluhan, Nalilito,
Hindi alam kung kailan muling pipito,
Senyales na meron nang nanalo,
Ang utak na kung mananalo ay tatanggapin na lamang na hanggang dito nalang tayo,
O ang puso na kung mananalo ay ipagpapatuloy ang pagkatok sa puso mong bato.Siguro'y tama sila na tanga ako,
Nagmamahal sa taong hindi man lang makita ang halaga ko,
Iniwan akong naliligaw sa sarili kong mundo,
Mahal, hindi ko alam kung paano nangyari to, pero ikaw ang mundo ko.Noong araw na iniwan mo ako ay yun ding araw na simula ng maraming tanong sa isipan ko,
Yun din ang araw na aking napagtanto,
Na mahal kita wala nang halong biro,
Ngunit huli na ako, alam kong wala na pang pagasa ang 'tayo' ngunit ang puso'y patuloy na lumalaban kahit iyo nang pinira-piraso.Mahal, talo ako,
Lahat lang pala ay biro pero bakit ko sineryoso,
Nahulog ako sa bitag mong laro,
Akala ko mamahalin mo ako pero hindi mo din pala kayang panindigan ang mga pangako mo hanggang sa dulo.Sa totoo lang ay hindi ko na dapat ito iniinda,
Hindi naman naging tayo hindi ba?
Pero mahal, bakit sobra?
Sobrang mahal kita.Sabi nila na kapag nagmahal ka ay magiging masaya ka,
Pero bakit nang minahal kita ay parang iba,
Bakit parang hindi ganon kasaya?
Oo, masaya ako dahil mahal kita pero bakit hindi nila sinabing masakit ding magmahal lalo na kung ikaw lang magisa.Naramdaman ko sayo ang kakaibang saya,
Mahirap ipaliwanag dahil basta na lamang akong napapangiti kapag nakikita ka,
Ang sayang maramdaman sapagkat mahal kita,
Pero siguro mas masaya yon kung hindi mo ako iniwang nagiisa.Ang sakit tanggapin na hindi ko maipaparamdam sayo ang pagmamahal ko,
Hindi dahil sa naduduwag pa rin ako hanggang ngayon kundi dahil ikaw na ang may ayaw at lumayo,
Ikaw na ang nagsabing lahat lang ay laro,
Ako lang ang nagseryoso at naniwala sayo.Marami akong 'sana' ngayon,
Sana mayroon pa sa ating tamang panahon,
Sana nabigyan tayo ng pagkakataon,
At sana ay nasabi ko na sayo na mahal na pala kita mula pa noon.Sana'y nagseryoso ka nalang din,
Sana'y ako rin ang naaalala mo sa tuwing titingin ka sa mga bituin,
Sana'y ikaw ay mapasakin,
At sana'y dumating ang araw na ako'y iyo ring mamahalin.Kahit malabo ay umaasa pa rin na sana pwede,
Kahit nalilito'y kaligayahan ay sayo pa rin nakadepende.
Nawala ka kasabay ng paglisan ng ngiti sa labi,
Mahal kita kahit na ang iniwan mo ay puro na lamang hikbi.Isinulat sa isang tula,
Pinagsama-samang salita,letra at tugma,
Ikaw ang nagiisang paksa,
Sana'y makarating sayo ang nararamdaman ng nag-akda.Mahal kita,
Walang halong patawa,
Mahal kita,
Kahit na walang pagasang maging akin ka,
Mahal kita,
Kahit ako lamang ay iyong binabalewala,
Mahal kita,
Kahit maubusan na ng salita,letra at tugma,
Maubusan man ng tinta ang panulat sa bawat tula,
Hindi man masagot ang mga bakit at paano sa nangyari sa ating dalawa,
Iniwan mo man akong nagiisa,
Mahal kita at yun pa rin para sa akin ang pinakamahalaga kahit napakasakit na.
YOU ARE READING
Ikaw ang Paksa
ŞiirMga salitang hindi nasabi sayo. Mga tulang inaalay sa aking mundo. Ikaw ang mundo ko.