Mahal, ang tulang ito ay para sayo,
Oo, sayo pa rin walang pinagbago,
Nasaktan mo man ako at pinaasa sa mga salita mo,
Eto pa rin ako nagmamahal sayo ng buong-buo.
Mahal, hindi tayo nabigyan ng pagkakataon,
Itinuon man sayo ang buong atensiyon,
Itinuring mo man akong patapon,
Naaalala pa rin ang matatamis mong salitang napagiwanan ng panahon.Mahirap kang kalimutan,
Minahal kita ng lubusan,
Sa tuwing maaalala ang mga ngiti mong nagpapagaan,
Nagpapagaan sa nararamdaman,
Kahit na ang dahilan ng iyong pagngiti ay hindi na ako,
Kailan nga ba naging ako?
O pati na rin ang mga ngiti mo nung panahong magkasama tayo ay kasama din sa laro?
Sa laro kung saan ako ang talo,
Dahil sa hindi sinasadyang mahulog sayo.Pero hihintayin ko ang iyong pagbabalik,
Maghihintay ako kahit mahirap at masakit,
Masaktan man ng paulit-ulit,
Kahit hindi masagot ang mga 'bakit'
Hihintayin pa rin na ikaw ay magbalik,
Dahil sa pagdating mong muli,
Wala na ang mga baka-sakali,
Wala nang mga pangako ang mababali.
Sapagkat ang dating laro mo ay tototohanin na,
Hindi ko na hahayaang ikaw ay mawalay pa,
Sisiguraduhing sabay na tayong lalabang dalawa,
Sa mga pagsubok, hindi kagaya noong panahong naduwag ka pa,
Kahit walang kasiguraduhang magbabalik ka pa.Mamahalin kita ng parang wala ng bukas,
At sisiguraduhing ang pagmamahal ay patas,
Dahil wala nang oras ang dapat pang sayangin,
Wala nang tinik muli ang magpapasakit ng damdamin,
Dahil mahuhulog ka rin at ako na mismo ang sasalo sayo,
Ako na ang magiging mundo mo at wala nang ikaw at ako,
Dahil ang dating ikaw at ako ay mapapalitan na ng 'tayo'
At ihahanda ko na ang aking mundo na muling tatakbo at iikot sayo,
Mahal, kahit hindi sigurado ay maghihintay ako sa pagbalik mo.
YOU ARE READING
Ikaw ang Paksa
PoesíaMga salitang hindi nasabi sayo. Mga tulang inaalay sa aking mundo. Ikaw ang mundo ko.