Tadhana

61 0 0
                                    


Tayong dalawa ay pinaglaruan,
Si Tadhana ang may kasalanan,
Hinayaan tayong magkita sa tagpuan,
Hindi inaakalang mahuhulog sayo at hindi rin naman pala pagbibigyan.

Tadhana, bakit ka ganito?
Bakit ako lang ang nasasaktan at umiiyak sa dulo?
Bakit kailangan kong maranasan to?
Bakit mo kami pinagtagpo kung iiwan nya din naman pala ako?

Naguguluhan,
Madaming tanong sa isipan,
Bakit hindi mo kayang lumaban?
Bakit ka biglaang lumisan?

Eto nga siguro ang epekto ng ikaw ay mahalin,
Masaya sa una pero sa huli ay iiwan lang din,
Masyadong masakit sa damdamin,
Dahil umasa ako na baka ang 'tayo' ay pwede pa rin.

Nagmahal ng magisa,
Sa taong hindi makita ang aking halaga,
Sa taong akala ko parehas kaming masaya sa isa't isa,
Yun pala ay nakakagulo lang ako sa mundo nya.

Paasa.
Paasa ka nga ba o ako lang tong tatanga tanga?
Na nahulog sa mga bitag mong salita,
Minahal ka kahit hindi pala tama,
Dahil antagal kong nakulong sa alaala nating dalawa na para sayo ay wala lang pala.

Mga panahong lumipas,
Ang pagmamahal sayo ay walang kakupas kupas,
Sinisisi si tadhana sa bawat oras,
Mamahalin pa rin kita kahit wala nang bukas.

Magulo ang ating sitwasyon,
Sabi nila'y ang alaala nating dalawa sa limot ay dapat nang ibaon,
Si tadhana pa rin ang takbuhan sa bawat pagkakataon,
Pero mukang kahit sya ay hindi ako kayang hilahin pataas sa kinalaglagan kong balon.

Katulad ng balon, ang pagmamahal sayo ay sobrang lalim,
Hindi mo ako makita sapagkat dito sa kinatatayuan ko ay masyadong madilim,
At baka lalo mo lang akong masaktan kapag sayo ako'y umamin.
Kaya naman kahit ikaw ay nakikita ko sa itaas at iniwan akong nagiisa sa ibaba, ang damdamin pa rin ay kinikimkim.

Humihiling kay tadhana,
Sana'y dingin nya ako kahit huli na,
Tulungan nya akong umahon kahit hindi ka kasama,
Kakayanin ko kahit wala ka.

Sana ito ay huli na,
Pagod na ako sa mga laro na puro pasakit lang ang dala,
Nasasaktan ang puso dahil nagmamahal magisa,
Tadhana, tigilan mo na ako at ayoko nang mahulog pa sa taong kahit presensya ko ay hindi makita.

Ikaw ang PaksaWhere stories live. Discover now