Balik na tayo

35 1 0
                                    


Mahal, magkano ba?
Magkano pamasahe pabalik sa dating ikaw at ako?
Kahit magkano basta't sabihin mo,
Ipangako mo na mamahalin mo ulit ako.

Talaga bang mahirap na akong mahalin?
Mahirap bang ibalik ang panahong ikaw at ako lang ang tauhan sa istorya natin,
Yung wala pang tuldok para tayo'y tapusin,
Yung inaasam asam na maging akin ka'y hindi pa mahirap abutin.

Mahal, naghihintay ako,
Bigyan mo ko ng sagot sa kung paano,
Sa kung saan at magkano ang pabalik sa dating ikaw at ako,
Susugal ulit ako.

Gaya ng pagsugal ko kahit walang kasiguraduhan,
Katulad ng ginawa ko sa nakaraan,
Sumugal at umasang hindi mo ako iiwanan,
Kahit na sa huli ay iniwan mong luhaan.

Hindi na ako naduduwag,
Mamahalin ka't hindi na muli pang mababasag,
Ibibigay muli sayo ang puso na parang walang lamat at nangyaring paglaglag,
Nalaglag, nabasag, nabuo at ibibigay uli sayo ng buong buo.

Magbabalik ako,
Buo na ang puso ko,
Muling ibibigay sayo,
Mahal nakikiusap ako, wag mong durugin muli gaya ng ginawa mo.

Sagutin mo na,
Magkano?
Para makabalik na ako,
Nang muling magbalik ang kaligayahan ko.

Hindi pa ba sapat na pamasahe ang mahal pa rin kita,
Hindi pa ba ako sapat para makabalik sa nakaraan nating dalawa,
Kung hindi man ay pwede ba?
Pwedeng bang ikaw nalang ang magbalik at nang tayo'y muling makapagsimula?

Kung hindi man ako hahayaan ng tadhanang magbalik sa piling mo,
Maaari bang ikaw nalang ang bumalik sa piling ko?
Maaari bang muli mong sabihing mahal mo ako,
Gaya ng pagpaparamdam mo sakin noon kung gaano ako kahalaga sa buhay mo.

Mahal, nakikiusap ako,
Kung pwede pa at kung ako pa rin ang nilalaman ng puso mo,
Mahal pa rin kita at sana'y mahal mo pa rin ako,
Balik na tayo sa dating ikaw at ako.

Ikaw ang PaksaWhere stories live. Discover now