Bulag ka,
Manhid ka pa,
Hindi mo makita ang aking halaga,
Hindi mo madama na mahal kita.Pipi ako,
Duwag sayo,
Hindi ko masabi na mahal kita,
Natatakot akong hindi mo tanggapin ang aking pagsinta.Akin na sigurong dapat tanggapin,
Na kailanma'y hindi ka mapapasakin,
Kahit na hanggang ngayo'y ikaw pa rin,
Dahil kahit na ang mahalin ka'y hindi na pwede pang pilitin.Mahal patawad,
Sa araw araw na pagtatadtad,
Ng mga mensaheng hindi pa rin naglalantad,
Dahil kahit na ang puso ko'y hindi ko malaman kung kailan muling mamumukadkad.Bulaklak ng pagibig,
Pagmamahal sayo'y kasinlinaw ng tubig,
Hinihiling na mayakap ka ng aking mga bisig,
Bulag ka, hindi mo makita ang tamis ng aking nga ngiti sa tuwing ako'y kinikilig.Mahal hindi ko masabi sayo na mahal kita,
Pipi ako at kung isusulat ko nama'y hindi mo mababasa o makikita,
Mahal kita pero hindi ko alam kung paano ba,
Paano mo makikita at masasabi ko sayong mahal kita.Mahirap maghanap ng tamang paraan,
Gusto kong sambitin sayo ng harap harapan,
Gusto kong ipadama sayo ng walang pagaalinlangan,
Pero hindi konektado ang puso natin at isipan.Para sayo'y wala akong halaga,
Para sayo'y isa lang akong basura,
Kaya nga't dinadaan daanan mo lang ako sa kalsada,
Hahabulin ka nga ngunit kapag kaharap ka na'y hindi na makapagsalita.Bakit napakamapaglaro ni tadhana,
Pinagtagpo nga tayong dalawa,
Ngunit paano naman magmamahalan ang isang bulag na hindi makita ang aking halaga,
At ang isang tulad kong pipi na hindi masabi ang katagang mahal kita?Oo tama nga siguro sila,
Bulag ka at hindi mo ako makita,
Pipi ako kaya hindi ko masabi ang tamang kataga,
Pipi ako at bulag ka kaya heto tayong dalawa,
Hindi tayo ang para sa isa't isa.

YOU ARE READING
Ikaw ang Paksa
ПоэзияMga salitang hindi nasabi sayo. Mga tulang inaalay sa aking mundo. Ikaw ang mundo ko.