"Lahat nagbabago"
Mga salitang nanggaling sayo,
Na hindi ko akalaing mangyayari din sa atin mismo,
Sa mundong ito kung saan ang meron lang ay ang ikaw at ako,
Na sumisimbolo sa salitang 'walang tayo',
Ay pumasok tayo sa sitwasyong hindi sigurado,
Na lahat ay mistulang biro,
Biro na nauwi sa hindi mo pagsalo,
Pagsalo nung panahong nahulog ako sayo.Masakit man sa puso,
Pero kailangan maging sigurado,
Kaya umamin ako sayo...
Pero ano?
Yun pa ang naging dahilan ng pagbabago mo,
Pero wag kang magalala dahil mananatili pa rin ako,
Na kahit pinagtutulakan mo na ako,
Ay nandito pa rin ako sa tabi mo,
Na kahit pagod na pagod na ako
Eh panghahawakan ko pa rin ang salitang 'kaya ko'
Na kahit sa paghihintay ko sa pagbabalik mo,
Ay makahanap ka ng ibang mamahalin mo,
Mananatili pa rin ako dito sa pwesto,
Kung saan iniwan mo ako,
Dahil balang araw mapapatunayan ko sayo mismo,
Na hindi lahat nagbabago at ang magpapatunay doon ay ang pagtingin ko para sayo.
YOU ARE READING
Ikaw ang Paksa
PoetryMga salitang hindi nasabi sayo. Mga tulang inaalay sa aking mundo. Ikaw ang mundo ko.