"IKAW"
Pinakamagandang salitang maisusulat ko,
Sa pahinang ito ang salitang 'ikaw' lang ang gusto ko,
Hindi ko alam kung paano,
Paano ko nga ba sisimulan ito?Kusa na lamang nagsusulat ang panulat,
Di kaya konektado sa puso ko at alam nya na ang nararapat?
Hindi ko gusto ang makipagsabayan sa ibang manunulat,
Ngunit kung ang salitang 'ikaw' ang aking gagamitin ay baka ipangalandakan ko pa sa lahat.Sinta, mahal kita bilang ikaw,
Para kang anghel na may taglay ng liwanag ng araw,
Sa iyong liwanag ako ay nasisilaw,
Pero kahit na ganoon aking sinta, gugustuhin ko pa rin na sayo ay laging nakatanaw.Sinta, patawarin mo ako kung masyadong korni ang ginagawa kong tula,
Pasensya na kung masagwa at hindi naman kasi ako magaling na makata,
Pero sana'y buong puso mong tanggapin ang tulang ito na may pamagat na 'ikaw' na aking gawa,
Sapagkat hindi sa utak kundi sa puso nanggaling ang bawat tugma.Mahal kita kaya siguro'y nagkakaganito ako,
Hindi maintindihan ang nararamdaman kapag ikaw ang nasa piling ko,
Kilig,pagmamahal at saya na hinahanap-hanap ko,
Sayo ko lamang naramdaman dahil ikaw na ang mundo ko.Ikaw na ang itinadhana para sa akin,
Handa ako sayo'y maging alipin,
Basta't mahal kita at sana'y iyong intindihin,
Na ikaw ang magiging kasama sa pagtanda at iyon ang aking pipiliin.Huwag mo sanang maliitin ang pagmamahal ko sayo,
Ipaglalaban kita kahit na kaharapin ko pa si Kupido,
Ayokong ikaw ay mawalay sa piling ko,
Kahit na anong pagsubok ay hindi ako susuko sinta ko.Sinimulan at tatapusin ko ang tulang ito na walang ibang iniisip kundi ang araw,
Araw ng buhay ko na lagi kong tinatanaw,
Kung iyong mapapansin na sa bawat saknong ay hindi mawawala ang salitang 'ikaw'
Kahit na sa una at huling salita ay walang iba kundi 'ikaw.'Sapagkat tunay ngang ikaw ang ilaw,
Ilaw na nagbibigay liwanag sa madilim kong buhay dito sa mundong ibabaw,
Sinta maniwala ka hindi ako namnobola, minamahal at mamahalin ko sa bawat araw ang natatanging,
'Ikaw'

YOU ARE READING
Ikaw ang Paksa
PoetryMga salitang hindi nasabi sayo. Mga tulang inaalay sa aking mundo. Ikaw ang mundo ko.