Pagkabilang ko ng walo, sana handa na ako

45 0 0
                                    


Idadaan ko sa bilang ang pagalala sa masasayang alaalang nasayang,
At sana sa huling bilang ko ay handa na ako,
Sana'y handa na akong kalimutan ang lahat tungkol sayo,
At sana'y handa na akong magsimula muli sa panibagong yugto.

Isa,
Para alalahanin kung paano mo ako napaikot sa matatamis na salita,
Salita na tumatak sa akin ng sobra,
Na ipinagpatuloy mo hanggang sa mahalin kita,
Salita na sa una mo lang kayang panindigan pero sa huli aatras ka lang din pala.

Dalawa,
Para alalahanin ang dati kung saan walang humpay tayo sa kakatawa,
Na sa bawat biro ay hindi tayo nagsasawa,
Ginising mo ang malungkot kong diwa,
Ngunit nang umalis ka ay sinama mo pa ang ngiti sa labi ko na tila hindi ka man lang naawa.

Tatlo,
Para sa halo-halong emosyong naramdaman ko sayo,
Saya sa tuwing ikaw ang kausap ko,
At ang pag-aalalang ikaw ay bigla nalang magbago,
Pero ang lahat ng tamis,saya at pagmamahal ay napalitan ng luhang walang humpay sa katutulo.

Apat,
Nang sayo ako ay magtapat,
Nang akalain mo na biro lang ang lahat,
Kung sa paanong nagdesisyon tayong itigil na lamang ang lahat,
Mahal kita pero ang lumayo ka sa akin nga siguro ang nararapat.

Lima,
Huli na ng mapagtanto kong mahal kita,
Ngunit wala akong magagawa dahil ang lahat ay nagbago na,
Lumayo ka at tanggap ko na,
Na mahal kita pero hindi tayo ang para sa isa't isa.

Anim,
Kung saan kasabay ng araw ng pagbabago mo ang pagbabalik ng buhay ko sa mundong madilim,
Sa araw-araw na mistulang sa puso ko ay may nakasaksak na patalim,
Tama ngang ang pagmamahal ko sayo ay masyadong malalim,
Na kahit ang salitang 'mahal kita' na gusto kong sayo'y sabihin ay akin na lamang kinimkim.

Pito,
Para sana sa alaalang kakalimutan ko,
Pero hindi ko naman akalain na sobrang hirap pala nito,
Pagod na ako kaya sana'y huling iyak ko na ito,
Sana sa huling bilang ko ay handa na ako.

Walo,
Inalala ko na mula sa simula kung saan magkalapit pa ang ating mundo,
Eto na ang huli dahil pagod na akong magbaka-sakali na babalik ka pa sa buhay ko,
Tanggap ko na at ang kulang nalang ay ang limutin ko ang dating 'ikaw at ako'
Eto na ang huling bilang ko at oo handa na ako pero eto pa rin ako nagmamahal sayo.

Ikaw ang PaksaWhere stories live. Discover now