Kahit panandalian lang

28 0 0
                                        

Ang tulang ito ay para sa iyo,
Ikaw pa rin ang paksa nito,
Sayo pa rin umiikot ang bawat taludtod,saknong at ang mga salitang bumubuo,
Ikaw pa rin ang minamahal ko.

Mahal, lumisan ka,
Iniwan mo ako sa gitna,
Sa istorya nating nakabuo ng maraming tula,
Sa istorya nating panandalian lang rin naman pala.

Uulitin ko,
Sa kung papaanong napasaya mo ako sa piling mo,
Na kahit na iniwan mo ako'y nagmamahal pa rin ako sayo,
Na kahit na ilang beses mong ipagtabuyan ang isang katulad ko'y umaasa pa rin ako na baka naman ay tanggapin mo ang nararamdaman ko.

Sabihin na nating mahal pa rin kita,
Oo sige tama sila,
Mahirap kalimutan ang taong minahal mo ng sobra,
Mahal, ikaw pa rin talaga.

Tayo'y magumpisa,
Alalahanin ang mga alala,
Sa kung papaano mo ako napangiti sa bawat salita,
At sa kung papaano mo ako napaiyak nung sinabi mo ang salitang 'paalam na.'

Ikaw ang nagmistulang liwanag,
Sa madilim na mundong walang maaninag,
At sayo nahulog,
Ang pusong umiiwas mabasag.

Ikaw ang depinisyon ng 'tunay na saya'

Kagaya ng isang larong ako ang taya,
Hinabol kita sa abot ng aking makakaya,
Ngunit umuwi ka bigla,
Iniwan mo akong hinahanap ka,
Lumisan ka't hinahabol ko pa rin ang bakas ng iyong mga paa,
Ngunit natigil ako ng ito'y maglaho ng parang isang bula,
Mahal, doon ko nasabi ang mga katagang 'malaya ka na'

Katulad ng isang laro, tayo ay panandalian,
Yung tipong kapag napagod ka na'y bigla ka nalang lilisan,
Uuwi ka at ako ang maiiwan,
At parang isang batang iiyak sapagkat nawala ang kaligayahan.

Hindi,
Hindi kita masisisi,
Hindi mo sa akin natagpuan ang iyong ngiti,
Hindi mo sa akin natagpuan ang bubuo sa iyong minimithi.

Ngunit mahal paano kung ikaw ang pangarap ko,
Paano kung ikaw ang bubuo sa nabasag na puso,
Paano kung ikaw pa rin ang mundo,
At paano kung minamahal ka pa rin kahit na dehado.

Hindi ko sinasabing bumalik ka,
Ayoko na rin namang masaktan pa kaya siguro mas nararapat na ring ganito tayong dalawa,
Ang sinasabi ko lang naman ay mahal pa rin kita,
Sa kabila ng masasayang alala na sa huli ay sakit lang ang dala.

Iniisip kita,
Hindi lilipas ang isang araw nang hindi ka naaalala,
Hindi lilipas ang isang linggo nang hindi binabalikan ang mga mensahe sa isa't-isa,
Hindi lilipas ang isang gabi nang hindi naririnig ang 'dahan' na iyong kinanta.

Katulad ng mensahe sa kanta,
Ay hindi ko na pipilitin pang ibigin kita,
Dahil sa istorya nati'y walang, walang hanggan na dapat isama,
Sapagkat natapos na agad tayo ng hindi pa naguumpisa.

Hindi tayo ang nakatakda,
Pinagtagpo lang tayo ngunit hindi itinadhana,
Kahit anong pilit pa,
Masaya ka na at masaya na rin ako dahil malaya ka.

Pinagkaisahan ako ni tadhana at kupido,
Tinamaan ako sayo,
Nakaiwas ka kaya nama'y madali lang sayo ang lumayo,
Mahal, patawad dahil nandito pa rin ako.

Hinayaan kitang makalaya sapagkat doon ka masaya,
Dahil ang katumbas ng ngiti sa labi mo ay ang kasiyahan ko kahit na hindi ako ang nagpadama,
Kahit na hindi ako ang dahilan ng pagtawa,
Masaya ako para sayo dahil mahal kita.

Mahal, lumisan ka na,

Magbibigay parte sa puso kung saan nandoon ang ikaw at ako,
Dahil mahal pa rin kita at naging masaya ako sayo,
Masasabi kong ang lahat na rin ng alaala ay sapat,
Sapat para ako'y mamulat,
Sapat para masabing ito ang nararapat,
Sapat na sapagkat hindi na pa dapat muling mabuklat,
Ang pahina ng libro kung saan Panandalian lang ang lahat.

Mahal, hindi ako nanghihinayang..
Kahit panandalian lang.

Ikaw ang PaksaStories to obsess over. Discover now