Dito nakasulat ang bawat salita,
Sa simula,gitna at katapusan ng ating istorya,
Pinagsama-samang mga letra at tugma,
Ikaw pa rin ang paksa.Sa kwadernong ito nakalathala,
Bawat titik para makabuo ng talata,
Bawat tugma para makabuo ng isang tula,
At bawat salita para mailabas lahat nang sakit na nadarama.Sa lahat ng nabuong taludtod at saknong,
Hindi maipagkakailang hanggang ngayo'y maraming tanong,
Sa kwadernong ito na lamang ibinubulong,
Ang sakit ng kahapon kung saan ako nakakulong.Hindi mabilang ang pahina,
Mauubos na't lahat ay hindi pa rin nakakapagpahinga,
Sa pagsulat ng mga nararamdaman simula nang ika'y mawala,
Hindi pa rin maubos-ubos ang natirang tinta.Sa unang bahagi nakasulat ang masasayang alaala,
Katulad na lamang noong una tayong magkita at magkakilala,
Masaya hindi ba?
Ngunit katulad ng iba, sa una lang tayo masaya pero sa huli ay puro pait lang din ang dala.Sa huling bahagi nakasulat ang nararamdamang sakit,
Mga katanungan na bakit,
Mga paghihinagpis at pait,
Mga pira-piraso ng pusong napunit.Paulit-ulit,
Pinilit iguhit baka sakaling hindi mapunit,
Sinubukang idikit baka sakaling humigpit ang kapit,
Ngunit ang pangalan mo na ay nakaukit at natatakot na baka maulit.Hindi nga nagkamali,
Sa pagaakalang masasaktan nga'y nangyari muli,
Umiyak sa bawat sandali,
Hindi na magawang makawala sa pagkakatali.Nakagawa ng napakaraming obra,
Itong kwaderno ang magpapatunay kung paano kita minahal ng sobra,
Isang buklat at iyo nang mababasa,
'Mahal kita'Maraming kataga ang maaaring maglarawan,
Ngunit ito ang diretso at pinakamadaling paraan,
Sa pagsusulat idaraan,
Ang bawat sakit na nararamdaman.Sa bawat pagdikit ng papel at tinta,
Sa una at huling pahina,
Tumingin ka man sa gitnang bahagi ay naroon pa rin ang tamang salita,
Mahal kita.Punong-puno ang mga parte,
Ng kwadernong walang kolorete,
Ngunit hanggang sulok naman ay napuno ng mga salitang kasinghalaga ng isang dyamante,
Pahalagahan mo sapagkat minsan nalang makarinig ng mga katagang permanente.Ubos na,
Kasama ng pagkaubos ng pahina ay ang pagtatapos nating dalawa,
Pinagkasya, baka sakaling maayos pa at mapahaba ang panahon nating dalawa,
Ngunit iba na talaga kapag ang naglaro na ay si tadhana.Mga taludtod at saknong na nabuo,
Mga tulang inaalay sayo,
Istorya nating nagtapos din sa dulo,
Lahat ay mababasa mo sa isang
'kwaderno'.

YOU ARE READING
Ikaw ang Paksa
PuisiMga salitang hindi nasabi sayo. Mga tulang inaalay sa aking mundo. Ikaw ang mundo ko.