Ikaw at ako

95 0 0
                                        


Walang tayo,
Hindi iisa ang mundo,
Nasa magkabilang dulo,
Ang meron lang ay ang ikaw at ako.

Simula palang sa umpisa,
Hindi tayo makakasabay sa kanila,
Wala tayong pag-asa,
Kaya'y aalayan ka ng isang tula.

Nagkatagpo,
Mahirap at ika'y nangako,
Maraming salita ang napako,
Ika'y biglaang sumuko.

Mahal kita,
Huli na nang aking mapagtanto ang kataga,
Huli na para sayo ay ipadama,
Huli na at nagbago ka na.

Mahal, hinahanap-hanap pa rin kita,
Sa bawat pagtakbo ng oras,
Sa bawat panahon na lumipas,
Sa pagmamahal kong hindi makaiwas.

Patawad,
Hindi ako makaiwas sa bawat paglalahad,
Ng mga damdaming sayo lang naramdaman at walang katulad,
Patawad mahal, nandito pa rin ako.

Heto ako,
Kung babalikan mo ma'y bukas pa rin ang puso,
Hindi aalis sapagkat ayoko.
Ayoko mahal, maghihintay ako sa pagbabalik mo.

Ilang ulit ba dapat sambitin ang bawat salita,
Ilang ulit ba dapat ulitin ang salitang mahal na kita,
Ilang ulit ba dapat ulitin ang mga pangakong dapat ay tinutupad mo na,
Ilang ulit ba akong dapat masaktan sayo ng sobra.

Alam mo ba yung mahirap,
Mahirap gumising araw araw na laging may hinahanap,
Mahirap kalimutan at matanggap,
Mahirap mabuhay ng hindi ikaw ang kayakap.

Yakapin mo akong muli,
Katulad ng dating gawi,
Yung kahit na walang tayo'y sinusulit natin ang bawat sandali,
Yung mahal kita at mahal mo rin ako kahit kunwari.

Ang hirap mong kalimutan,
Sa bawat saglit ay nasasaktan,
Sa tuwing maaalala ang nakaraan,
Sa tuwing gigising sa umagang walang kasiyahang nararamdaman.

Paano nga ba makakawala,
Kung kahit na ang puso ko'y binabalewala ay sya na mismo ang hindi sumusuko,
Paano ko makakalimutan ang isang tulad mo?

Kung kahit na ang buhay ko'y hindi kumpleto kapag wala ka,
Yung pakiramdam na kulang ka sa bawat paghinga,
Nakakawalang-gana,
Mahal, kung alam mo lang sana.

Ikaw pa rin,
Kahit anong gawin,
Kahit anong sakit ang pait,
Kahit na masaktan at umiyak pa ng paulit-ulit.

Mahal, ako'y nakakasigurado,
Mahal pa rin kita kahit na dehado,
Mahal pa rin kita kahit na niloko,
Mahal pa rin kita kahit wala naman talagang tayo.

Sana'y iyong malaman,
Ang bawat nararamdaman simula nung ika'y lumisan,
Sana'y iyong malaman,
Na ikaw pa rin ang minamahal kahit na nasasaktan.

Oo, tanga ako,
Iniwan mo na't lahat ay patuloy pa rin ang pagmamahal sayo,
Tanga pa rin ako,,
Tatanggapin kang muli kapag bumalik ka sa piling ko.

Tatanggapin kang muli kung kinakailangan mo ng yakap,
Na kahit ilang buwan o taon mo na akong hindi pinahalagahan at kinausap,
Ay sayo pa rin ako magbabalik,
Sayo pa rin patungo ang bawat titik.

Sa bawat ginagawang tula,
Humihiling na sana'y hindi na ikaw ang maging paksa,
Hindi na ikaw ang pagkuhanan ng hugot at salita,
Ngunit kahit anong gawin ay ikaw pa rin ang bagsakan ng bawat letra at tugma.

Hindi ko alam kung kailan ka babalik,
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko rin isisiksik,
Yung sarili ko sayo,
Yung sarili ko sa puso mo.

Baka naman ay meron pang lugar na nakalaan,
Para sa aking ikaw ang ginawang tahanan,
Baka naman kaya mo pa akong mahalin,
Ngunit ang taas naman ng aking pangarap para abutin ang katulad mong isang bituin.

Ang taas mo na,
Hindi na kita maabot kahit na tumingkayad pa,
Yung tipong alam kong hindi na ako dapat pang umasa,
Dahil tuluyan nang iniwan mo akong nagiisa.

Pero mahal bakit ganon?
Bakit ikaw pa rin hanggang ngayon?
Kailan ba darating ang panahon?
Kung saan pwede na tayong mabigyan ng pagkakataon?

Pwede na yung 'tayo'
Hindi na yung ikaw at ako.
Iisa na ang mundo,
Wala na ang dulo,

Dahil ang ikaw at ako ay nangangahulugan ring ikaw pa rin kahit hindi na ako.

Ikaw ang PaksaWhere stories live. Discover now