Nagtatanong kung saan,
Nagtatanong kung kailan,
Saan ka muling matatagpuan,
Kailan ka muling masisilayan.Hindi malaman kung bakit,
Ikaw pa rin ang hinahanap-hanap kahit na masakit,
Puso ko'y pangalan mo ang laging bitbit,
Pero kung mamalasin nga nama'y bigla ka nalang sakin pinagkait.Bukas man o sa makalawa,
Sa paghiling ay hindi nagsasawa,
Pilit na dinadaan lahat ng sakit sa tawa,
Ano ang aking magagawa?Kailan?
Maraming pwedeng ibigay na kasagutan,
Maraming taon na rin ang nagdaan,
Kailan kita makakalimutan?
Nalilito,
Naguguluhan sa sinasabi ng utak at puso,
Sila ay nagtatalo,
Pero hanggang ngayo'y wala pa ring nananalo.Kailan ka magbabalik?
Isang kailan na sa kasaguta'y sabik na sabik,
Ngunit bigla ka na lamang natahimik,
Hinihintay kung kailan ka muling makakaimik.Kailan ka muling masisilayan?
Sa iyo lang nagmahal ng lubusan,
Sana nama'y kahit hindi mo masuklian,
Kahit iyo na lamang pahalagaan.Mahal kita hanggang ngayon,
Nangungulila sa pagkawala mo noon,
Hindi tayo nabigyan ng pagkakataon,
Ang hinihiling ko lang naman ay bigyan mo ako kahit konting atensyon.Hihintayin ka kahit saan,
Pakiusap, sagutin mo ang katanungan,
Kailan ka muling magbabalik?
Kailan ka muling masisilayan?Kailan?

YOU ARE READING
Ikaw ang Paksa
PoesiaMga salitang hindi nasabi sayo. Mga tulang inaalay sa aking mundo. Ikaw ang mundo ko.