Sa dinami-rami ng tao dito sa mundo,
Hindi ko inakalang sayo iikot ang mundo ko,
Hindi ko inakalang mababaliw ako ng ganito sayo,
Hindi ko akalaing mamahalin kita ng ganito.Tayo'y pinagtapo,
Sa simula,
Sa gitna,
Pero sa dulo'y pinaglayo.Paano ko nga ba isusulat sa iisang piraso,
Ng papel ang nararamdaman ko,
Paano ko sasambitin ang mga salitang pilit kumakawala sa puso,
Paano?Paano ko hahanapin ang naliligaw kong pagkatao,
Paano ko haharapin ang mga pagsubok at bagyo,
Paano ako ngingiti kung wala ka na sa buhay ko,
Paano?Bigyan mo ng sagot,
Kadiliman ay muli na naman akong binabalot,
Sa tuwing iniisip ang mga pangarap nating hindi na maaabot,
Binabalot ng takot.
Takot at pangamba,
Dahil ngayon ay wala ka na,
Mabubuhay ng magisa,
Tatahakin ang bukas ng hindi ka kasama.Pinagtagpo,
Oo tayo,
Ikaw at ako,
Naging iisa ang mundo.Pero mahal bakit?
Bakit pinagkait?
Bakit hindi pwedeng ipilit?
Bakit mahal kita pero sobrang sakit?Masakit ang makita kang masaya,
Ganon na lamang bang kadali kalimutan ang alaala nating dalawa?
Yung tipong kinabukasan lang ay nakangiti ka na?
Yung hindi tayo ang para sa isa't-isa at tanggap mo na?Paano?
Paano mo natanggap ang lahat ng ito?
Paano mo nagawang ngumiti ng wala ako?
Bakit ganoon lang kadali sayo?Yung totoo?
Minahal mo ba ako?
Bakit ganito?
Pinalaruan na nga tayo ng tadhana'y pakiramdam ko pa'y pinaglaruan mo din ako.Ang dali,
Sa sobrang dali ay naging sandali,
Hindi namalayang ang makasama ka'y yun na ang huli,
Kailanma'y hindi ka na mapapasaakin muli.Mahal, ang salitang tayo hindi pwede sa mundo,
Ang maaari lamang ay ang ikaw at ako,
At ito na rin siguro ang pinakamasakit na kataga ang maisusulat ko sa pahinang ito,
Tayo'y pinagtapo ngunit sa dulo ay pinaglayo.
YOU ARE READING
Ikaw ang Paksa
PuisiMga salitang hindi nasabi sayo. Mga tulang inaalay sa aking mundo. Ikaw ang mundo ko.