Mahal, patawad kung ako ay susuko na,
Masyadong masakit sa damdamin sapagkat alam kong wala nang pag-asa,
Pagod na ako at ayoko nang magpakatanga,
Oo, mahal pa rin kita pero gusto ko nang matutong mabuhay ng wala ka.
Masakit dahil ikaw na rin mismo ang may ayaw,
Gusto ko lang naman ngayon ay ang ikaw ay matanaw,
At sayo ay isigaw ang mga katagang 'Mahal naman kita pero bakit ka nalang biglaang bumitaw?'
Napapaisip, nagtatanong sa sarili kung bakit,
Nagbabaka-sakali na baka maibalik pa ang dati,
Mahirap dahil puso ko'y sayo pa rin ang pilit,
Pero patawad mahal, sapagkat para sa akin ay eto ang mas makakabuti.
Sa mga panahong tayo pa ay masaya,
Ikaw at ako, tayo lang dalawa.
Nagpangakuan pa nga tayo, hindi ba?
Na kahit sa huli tayo pa rin ang magkasama.
Pero mahal anong nangyari?
Bakit mo ako iniwan ng walang pasabi?
Iniwan mo akong magisa sa mundong magkasama nating niyari,
Sa bawat araw na hinihiling ang iyong pagbabalik,
Sa mga yakap mong ako ay sabik na sabik.
Umaasa na matanaw ka muli,
Kahit sa huling saglit,
Sa tagpuan, gaya ng dati.
Ngunit sa paghihintay ay masyadong nasaktan,
Umasa ng lubusan pero walang pinatunguhan,
Nagbabaka-sakali pero tulad na lamang ng iyong mga pangako ay nabali.
Kaya mahal, ako ay titigil na,
Salamat sa mga ala-alang sa huli ay puro pasakit na lamang ang dala,
Ako'y masyadong nasaktan at umasa,
Sa paghihintay sa pagbabalik mo kahit sobrang labo na,
Mga salitang bibitawan ko at pinapangakong ito ay huli na,
Mahal pa rin kita pero tama na.

YOU ARE READING
Ikaw ang Paksa
PoetryMga salitang hindi nasabi sayo. Mga tulang inaalay sa aking mundo. Ikaw ang mundo ko.