Pira-piraso,
Kulang ang pagkatao,
Hindi ako buo,
Kung wala ka sa buhay ko.Mahal, bakit ganito?
Bakit sobrang sakit sa puso?
Kulang na kulang ako,
Hindi ako kumpleto.Para akong lapis na walang pambura,
Sa isip ko'y hindi ka magawang mabura,
Ano ang ginamit mong tinta?
Ang isip ko'y pagod na pagod na.Kakaisip kung paano,
Ng tamang paraan patungo sa dating ako,
Yung masaya at buong buo,
Yung hindi malungkot dahil lang sa isang katulad mo.Para akong damit na hindi magawang isuot,
Hindi bagay kaya hindi mo pinulot,
Siguro'y marami na rin akong gusot,
Marami nang lukot kaya palaging nalulungkot.Hindi mo sinubukan,
Damit akong nangangarap na iyong tignan at balikan,
Baka sakaling kunin mo ako at magawan pa ng paraan,
Subukan mong isukat kahit na walang kinababagayan.Para akong punong walang bunga,
Ang natira na lamang ay puro sanga,
Nakatunganga,
Nagpapakatanga.Nagbabaka-sakali,
Naghihintay na magkabungang muli,
Kahit malabo'y umaasa sa bawat sandali,
Sana'y magbunga ang nga pangako mong patuloy na nababali.Para akong bahay na walang bubong,
Walang kwenta't walang pansilong,
Walang panangga sa bawat ulan na bubuhos,
Mga patak ng luhang di maubos-ubos.Umiiyak sa gabi,
Matutulog ng hindi ka na katabi,
Tinatakpan ang bibig sa paghikbi,
Sa sobrang sakit ay wala nang masabi.Para akong bagyo na walang kasamang ulan,
Kulang sapagkat parang wala ring bagyong nagdaan,
Hindi nabasa ang bawat nilalakaran,
Ng mga taong walang pakialam sa pinaglalakbayan.Walang patak,
Walang nagbalak,
Magtampisaw sa ulan ng nakayapak,
Nang ako' iyong iniwan, puso ko'y mistulang pinagsasaksak.Masakit sa damdamin,
Hindi ka man lang lumingon o muling tumingin,
Dire-diretso kang umalis sa buhay kong kumpleto na sana,
Kumpleto na sana kung hindi ka nawala.Ilang beses pa bang kailangang humiling,
Sa mga bituing nawawalan ng ningning,
Ang paglisan mo'y nagdulot ng matinding sakit,
Sakit at pait.Walang magawa,
Nung umalis ka'y nagumpisa nang maramdaman ang pagkawala,
Nalilito, naguguluhan, nawawala,
Bakit ka umalis nalang bigla at iniwan mo akong kulang at nagiisa.Mahal kita,
Kulang ang mundo ko kapag hindi ikaw ang kasama,
Ikaw lang ang tanging nakapagpasaya at nakapagpabalik ng mga ngiti sa puso kong hindi makaramdam ng halaga,
Mahal balik ka na,
Hindi ko kaya,
Dahil kulang ako kung wala ka.

YOU ARE READING
Ikaw ang Paksa
PoésieMga salitang hindi nasabi sayo. Mga tulang inaalay sa aking mundo. Ikaw ang mundo ko.