Sa umpisa'y pinaglayo,
Sisiguraduhin kong muli tayong magtatagpo,
Siguro'y matagal tagal pa ngunit makikisama ako sa plano,
Hihintayin kita kaya sana'y hintayin mo rin ako.Uunahan ko na ang tadhana,
Mananalo ako sa laro nyang hindi tama,
Hindi na sya ang magdidikta,
Mahal pa rin kita kaya kahit na ako'y nasaktan na ay ikaw pa rin talaga.Patawarin mo ako,
Hindi ako sumusuko,
Ikaw lang ang gusto ko,
Pakiusap, makiayon ka sa daloy ng ating kwento.Sa istorya nating dalawa,
Ikaw ang prinsipe at ako ang prinsesa,
Nawala'y ka man ay mananatili tayong nagiisa,
Naghihintayan na muling magkrus ang landas nating dalawa.Oo,
Walang magagawa ang ibang tauhan sa ating kwento,
Hindi sila ang bida at nagpapatakbo,
Hindi sila ang maaaring makapagpalayo sa dalawang taong nakalaan para muling magkatagpo.Hindi na magpapaligoy-ligoy pa,
Ikaw pa rin ang sinisinta,
Hinihintay nalang ang tamang panahon para sa ating dalawa,
Dahil aminado ako sa aking nadarama.Ikaw pa rin hanggang ngayon,
Sa isip at puso'y hindi maitatangging minamahal at mamahalin ka pa rin kahit tayo'y napagdaanan na ng panahon,
Nakikisabay nalang sa bawat alon,
Alon ng pagmamahal kung saan ako hindi makaahon.Sumabay ka,
Sa bawat araw na magdadaan ay makiayon ka,
Nakausap ko na si tadhana,
Magtatagpo muli tayong dalawa.Sinisigurado,
Hindi na muling madedehado,
Ang ikaw at ako ay magiging tayo,
At ito ang gusto ko.Lalaban at muling susugal,
Sa susunod na pagkakataon ay tayo'y magtatagal,
Kahit na masaktan ay ikaw pa rin ang minamahal,
Hindi na papayag na ang tayo ay muling ipagbabawal.Dadagdagan ko na ang pahina para sa susunod na kabanata,
Kasama na ang tinta,
Magsusulat ng panibagong talata,
Ikaw na rin ang magiging kuta.Ako'y panibago,
Panibagong tao na mamahalin mo,
Ako ang nakalaan para sayo,
Kaya naman maninirahan na ako sa puso mo.Hindi mo matatanggihan,
Iyong pakinggan,
Ako ang nagiisang nakalaan,
Tayo muling magkikita at mapagbibigyan.Hindi man ngayon,
Hindi man bukas o sa susunod na taon,
Pagdating ng panahon,
Tayo'y muling magtatagpo at mabibigyan ng pagkakataon.

YOU ARE READING
Ikaw ang Paksa
شِعرMga salitang hindi nasabi sayo. Mga tulang inaalay sa aking mundo. Ikaw ang mundo ko.