Five years ago...
"Do something Jacob, I am too stressed already with Tats."
Napatigil sa pag pasok si Jasmine sa loob ng doctor's quarter. May kailangan sana siya ipasulat na order sa resident doctor na si Jacob Manalo.
"Bro, what do you want me to do?"
"Arranged a decent girl for him and make him a man.!"
Narinig niyang sabi ng kausap ni doc Jacob.
" Bakit hindi ikaw ang humanap? Mas marami kang connections compare sa akin?"
Pag tanggi naman muli nito.
" Women in our circle are not for him. Ang kailangan niya ay submissive type. Loving and caring. He's mama's boy, alam mo yan.!"
Pagpipilit ng kausap ni Doc Jacob. Sa timbre pa lang ng boses nahihimigan niya ang pagiging authorative nito.
"Ah, what gave you the idea na he's..."
Nakita niya ang pag kumpas ng mga kamay ni Doc Jacob. Parang ayaw lumabas sa bibig nito ang mga salita.
Pero sa simple niyang pakikinig nakuha na niya na binabae ang i hinihingi nito ng tulong.
Hindi na siya nakatiis. Pagkatapos kumatok, tinulak niya ang pinto na hindi naman nakasara. Malapit na matapos ang shift niya.
Kailangan niyang mag pa medical after ng duty. May apply siya sa Canada at on process ang lahat.
" Good afternoon doc."
Nakangiti niyang sabi. Parehong nabaling ang tingin ng dalawang lalaki sa kanya.
Bigla naman siyang natigilan ng mapagtanto na naka military uniform pala ang lalaki.
Nakatingin lang ito sa kanya blanko ang mukha. Sa batang edad nito maaalangan ka sa awtoridad nito.
" Yes, Miss Torres?"
Pukaw no Doc Jacob sa kanya. Namangha kasi siya sa kagwapohan nito. Handsome men in uniform.
" Ah, doc. Mag pa order po sana ako ng mga to follow up na IV fluids."
Nakangiti niyang sabi at inilapag sa table nito ang mga dala niyang patients charts.
" I have to finish this Theo."
Baling nito sa kausap.
"No, problem take your time."
Sabi nito, still looking at her. Parang meron itong gustong sabihin pero hindi lang alam kung paano simulan.
Sa gilid ng kanyang mga mata nakita niyang dinukot nito ang cellphone na marahil nag vibrate kasi hindi naman niya nakitang tumunog.
"Hey, babe."
Bahagya siyang napangiwi, wala na talaga ngayong single! Siya na lang yata!
" I'm sorry babe, I can't pick you up! I'm out of town. Yeah, I'm in Baguio actually."
Gusto pa sana niyang makinig pero tapos na mag sulat ng order si Doctor Jacob.
" Thank you doc."
Nakangiti niyang sabi at lumabas ng doctor's quarter. Sinulyapan pa niya ang lalaki na naka military uniform bago tuluyan niyang hinatak pasara ang pinto.
"Hoy sis, ang tagal mo naman. Masyado mo yata sinasarili si Doc Pogi."
Agad na salubong sa kanya ng kasama niya sa duty na si Shirome.
"Ikaw ang sinabihan ko na pumunta doon ah, tapos ngayon selos ka?"
Sagot niya at inayos sa station ang mga charts.
" Wrong timing nga si room 102, saka na out ang cannula."
Reklamo nito.
" Well, pag alis mo ako na ang mag reyna. Wala na ibang makikita si Dokie na maganda. Ako na lang."
Sabi nito at tumawa.
" Sige mag saya ka. At na sa iyo na ang korona na pinaka maganda dito sa floor na ito"
Pag sang ayon na lang niya sa sinabi nito.
Nilibot niya ang tingin sa buong floor. Nasa ikatlong palapag ito ng hospital at ito ang nagsisilbing pediatric ward. Tatlong taon na din siyang nag tatrabaho dito. After niyang maka pasa sa board exam. Hindi mahirap sa kanya makahanap ng trabaho dahil isa siyang top notcher sa board exam.
Mahirap sila pero talino ang puhunan niya at pagsisikap upang mabago ang buhay nila ng kaniyang pamilya.
Ang kanyang ama ay isang taxi driver, ang nanay naman niya ay nasa bahay at may maliit na sari-sari store. Scholarship din ang dahilan kung bakit siya nakatapos bilang isang nurse.
Ngayon na malapit na siyang makapag abroad, matutupad na din ang pangarap niya. Gusto niyang ipagpatuloy ang pag aaral at maging isang Doctor. Gusto niyang maging pediatric surgeon.
" Tama na ang pag lipad ng isip, nauna na yata iyang maka rating sa Canada ah."
Pukaw sa kanya ni Shirome.
" Andiyan na ang mga ka endorse natin."
Sabi nito. Binati naman niya ang mga bagong dating. At ginawa nila ang routine na hand over.
Matapos ang endorsement, agad siyang nag tungo sa kanyang agency na pinag applayan. Bagong bukas lang ito sa kanilang siyudad.
Bigla siyang kinabahan ng pag baba niya ng taxi naka padlocked ang ahensiya.
Agad niyang tinawagan secretary nito pero unattended ang telepono.
"Miss isa ka din ba sa nag apply diyan?"
Tumango siya sa lalaki na kumausap sa kanya.
" Mga walanghiya ang agency na iyan, matapos nilang kunin ang placement fee ng mga nag apply sa kanila tumakas na sila. Madami na ang reklamo sa POEA pero hindi pala sila lisensyadong ahensya."
Hindi niya halos marinig ang sinasabi nito. Para siyang tinamaan ng bomba.
She's doomed! Her family is also doomed! Naka sanla ang kanilang bahay at lupa.
Parang wala siya sa sarili na naglakad. Hindi niya alintana ang mga sasakyan.
She feels humiliated! Naturingan siyang scholar at top notcher sa board exam pero naloko siya ng ganito.
Masyado siyang nagmamadali makapag abroad.
Isang malakas na preno ng sasakyan ang naka pag pabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Sunod sunod na busina ang narinig niya at bumaba ang bintana sa tapat ng driver's seat.
" Miss Torres are you okay?"
" Doc sorry." hingi niya ng paumanhin at akmang tatawid ng isang motorsiklo naman ang muntik ng makahagip sa kanya.
" Hoy magpapakamatay ka ba?"
Sigaw ng driver ng motorsiklo.
Noon naman bumukas ang kotse at muling lumabas ang lalaki na naka uniporme na kasama ni Doc Jacob kanina.
"Get in."
Utos nito sa kanya at giniya siya sa sasakyan. Wala na talaga siya sa sarili niya at napahinuhod na lang siya. Nakita na lang niya ang sarili na nasa loob ng sasakyan.
"It seems like you're in trouble. How can we help you?"
Tanong ni Doctor Jacob.
Wala siyang nasabi basta na lang siya napahagulhol ng iyak. She feels hopeless!
BINABASA MO ANG
Hate to lose you!
Romance" I want to kill you for what you did! But I hate to lose you!" Ito ang laban ni Tim Cervantes pagdating sa babaeng kanyang minamahal na si Jasmine Torres! Kinupkop, minahal at handang pakasalan. Pero tinakasan siya at nagtago. Later he found her wi...