Chapter 9

1.7K 67 1
                                        

" Goodluck Jas."

Sabi niya sa dalaga. Halata ang kaba nito.

" Salamat, kinakabahan ako."

Humawak ito sa dibdib.At ilang beses nag inhale at exhale.

" Kaya mo yan."

Aniya at pinalakas ang loob nito.

" Can i hug you? Pam pa swerte."

Sabi nito. Natawa naman siya sa term nito. Well, marahil nga baka this time maging lucky na din ito.

" Sure"

At inilahad ang mga bisig.

" Thank you, Tim."

Pagkasabi noon yumakap ito sa kanya. Hindi ganoon kahigpit pero, pero sapat na para maamoy ito. She's has pleasant natural smell.

" You smell like a baby."

Sabi niya na natatawa.

" Hahaha. Baby cologne kasi gamit ko."

Nahihiya nitong sabi at kumalas na sa kanya.

" Meron akong gagawin after this. Kung matapos ka na dito. Kaya mo naman umuwi?"

Alanganin man siyang iwan ito.Pero kailangan niyang makipag usap kay Theo.

" Tawagan na lang kita just in case."

Sabi nito. Pumasok na ito sa isang hotel kung saan gaganapin ang examination at pag naka pasa ay interview na din.

" Tim, are you with me?"

Pukaw ni Theo sa kanya. Andito na siya sa opisina nito, hinihintay lang nila si Pascal. For sure, me iniuwi na naman ito na babae kaya hanggang ngayon wala pa.

" Bakit me sinasabi ka ba?"

Baling niya dito.

" Malamig na ang kape mo! Kanina pa yan hindi mo man lang ginagalaw. What's bothering you?"

Tanong nito sa kanya. Napaka initin ng ulo ng kapatid niya. Marahil dahil kay Tia at girlfriend nitong si Caye.

Salubong ang kilay nito na nakamasid sa kanya.

" Wala naman."

Tanggi niya at dinala sa bibig ang tasa ng kape na napangiwi siya kasi malamig na nga ito.

"You keep on checking your phone. Katulad ka ba ni Tia me tinatago sa akin?"

Nasa boses nito ang pagka pikon. Nang aarok ang tingin na ipinukol sa kanya.

" Hey whats up!"

Biglang pasok naman ni Pascal na naka dark shades. Naputol ang anuman na sasabihin niya.

" You're late!"

Salubong nito kay Pascal.Me malaki share din ito sa security agency nila. At malapit nilang kaibigan.

" Traffic."

Sabi nito at nginitian ang secretary na nag baba ng kape sa harap nila.

Naiiling na lang si Theo sa dahilan nito. They can see hickey on his neck.

" Palusot mo Pascal. Puno ng chikinini ang leeg mo."

Sabi niya dito. Pero malakas lang itong tumawa.

Tumikhim ang kuya niya kaya natigil ang uumpisahan sana nilang pag aasaran ni Pascal.

" Here."

Iniabot sa kanila ang sobre, ng buksan nila plane ticket iyon bound to Canada.

" Find a away to bring Tia back home."

Utos nito sa kanila.

" Bakit pati ako?"

Maang na tanong ni Pascal. Sa simula pa lang pag nagkikita sila sa pagkapikon lang sa kanya nauuwi ang engkwentro nila ni Tia.

" Okay i will find someone who  can pretend to be Tia's husband then."

Nawawalan ng pasensiya na sabi ni Theo. Dahil he's managing a VIP security and investigation agency napaka dami na candidate na pwede nito makuha.

" No! I will do it!"

Agad na tumayo si Pascal. Napangiti na lang siya sa isang tabi.

" Bakit hindi na lang natin gawing totoo? I can be her husband for real.!"

Suhestiyon nito na tinawanan lang niya.

" Bro, baka gusto mo sa kulungan bumagsak si Tia? She will not tolerate your womanizing around."

Sabi niya dito. Nalungkot naman si Pascal sa sinabi niya.

" I will changed. Swear i will change."

Naiiling naman si Theo sa kanila.

" She loved the man, Pascal."

Inilapag ni Theo ang folder sa harapan nila.

Pareho silang nabigla sa laman niyon.

" He's looking for Tia?!"

Bulalas ni Pascal. Mga data iyon ng request ni Terence Buenavista na hanapin si Tia.

" So, kaya namin ibabalik dito sa Pilipinas si Tia para makita niya.?"

Hindi siya sang ayon sa kuya niya.

" Hindi tayo ang mag decide sa bagay na niyan. Just bring Tia home, she's alone and pregnant. I don't want something bad happens to her."

This time he sounds like a caring brother.

" Pretend as her husband Pascal, so she will have her confidence back."

He came back on ordering around.

" For Tia, sure i will do anything. I hope she can change her mind, at totohanin na lang niya. I am willing to be a father of her child."

Malungkot na sabi ni Pascal. He really adore their sister.

" Tsk! You're talking nonsense bro.!"

Sabi niya dito.  Agad niyang tiningan ang cellphone, pero wala pa din notification mula sa dalaga.

" Tim, kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo. Tapos na ang usapan, gawin mo na ang gusto mong gawin!"

Pag dismiss ng kuya niya sa kanya.

" Okay I'll go ahead then. Pascal save the date okay? See you at the airport!"

Bilin niya sa binata, patungkol sa araw ng kanilang alis papunta ng Canada.

" Okay bro!"

Sabi nito na tinaasan lang siya ng kamay at nagmamadali na siyang lumabas.

Binalikan niya ang dalaga sa hotel kung saan niya ito iniwan.

He send her message na nasa katapat na coffee shop lang.

Habang nag hihintay, at umiinom ng kape. Search niya si Jasmine at profile nito sa social media.

Sa wall nito me mga pagbati ng bon voyage sa pangingibang bansa nito. How they are proud of her. She is pride of Baguio university graduate as magna cum laude at top notcher in board exam.

" Must be difficult for her!"

Nasabi na lang niya sa sarili.Matapos niya mag send ng friend request. Ibinaba na niya ang cellphone. Sakto naman na paglabas ng mga aplikante.

Hindi niya agad ito nakita, dahil nasa hulihan ito.

Pinagmamasdan niya ito habang papalapit sa coffee shop. Hindi matandaan kung kelan siya huling tumitig ng ganito sa babae. Mukhang ngayon pa lang? Napangiti siya sa sarili.

What is so special about her? She's small pero kinakaya niya ang malaki na problema. Hindi niya napigilan ang ngumiti dahil sa paghanga sa dalaga. He will consider her small but terrible Jasmine!

Hate to lose you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon