Chapter 7

1.7K 66 0
                                    

Hindi alam ni Tim kung matatawa o maiinis sa dalaga.

" Bakla ka siguro ano?!"

Kasunod noon ang paghagikhik nito. Nang aminin niya na wala siya kasintahan.

Naghubad pa ito sa harapan niya. Sa loob pala ng bestida nito ay damit pang langoy.

Me plano pala itong mag swimming talaga kaya nang hingi ng ilang piraso ng indian manggo.

"Haha, balewala naman siguro sa iyo na mag hubad ako ano?"

Mapula ang pisngi nito sa ininom pero ang katawan na tumambad sa kanya ay napaka puti.

" Okay, sinabi mo."

Natatawa na lang niyang sabi dito.

Pinanood niya itong lumangoy. Parang bata na walang kapaguran mag tampisaw.

Pag maramdaman na wala na ang epekto ng alak, muling aahon at iinom ng beer.

Kukulitin siya nito na hinahayaan lang niya pisilin ang pisngi niya at paulit ulit na sasabihin.

" Sayang ang pogi pogi mo pa naman!"

Namumungay na ito, habang nilalagok ang huling lata ng beer.

" Yeah i know!"

Sabi niya, patungkol sa pag sang ayon niya na pogi siya.

" Never kissed a woman before?"

Anito at inilapit ang sarili sa kanya, habang naka pout ang mga labi.

" What the?!! "

Bulalas niya ng sumubsob ito sa kanya bago pa dumampi ang labi sa kanya. She passed out. And can hear her breathing, she sleeps soundly.

Napatawa na lang siya habang pangko niya ito papasok ng bahay. Talented nga ito pagdating sa tulugan!

*******

" Good morning Jas."

Nakangiti na bati ni Tim sa dalaga. Dinalahan siya nito ng breakfast sa kubo dito sa likod bahay.

Alanganin itong ngumiti.

" Good morning."

Bati din nito sa kanya.

" Maupo ka sumabay ka na sa akin."

Alok niya dito na hindi makatingin sa kanya.

" Salamat, pero magkape lang ako."

Tanggi nito.

" Dito ka na mag kape."

Pilit niya dito. Natutuwa siya dito dahil mukhang natandaan nito ang kalokohan na ginawa kahapon.

Inabot niya dito ang kanyang tasa ng kape.

" You can have this."

Sabi niya. Alanganin man ito pero umupo na din. Sinimulan niyang kumain. Si Jasmine naman ay nag simula na humigop ng kape.

" Naalala mo ba sinabi at ginawa mo sa akin kahapon?"

Maya maya ay tanong niya sa pagitan ng pagsubo ng pagkain.

Bigla naman nito ibinababa ang tasa ng kape,at napakagat labi.

Alanganin itong ngumiti.

" Pasensiya na, talaga."

Hingi nitong paumanhin. Namumula ang mukha at hindi makatingin sa kanya.

" Pasensya lang? Matapos mong kunin ang first  kiss ko?"

Hate to lose you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon