Chapter 15

2.1K 70 0
                                        

" Hey!"

Masayang bati ni Jasmine sa binata. Agad niyang tinungo ang tabing dagat matapos siyang maligo at nakapag bihis.Natakam siya  sa nakahain sa mesang gawa sa kawayan.

Sinalubong naman siya ng binata at inalalayan na makaupo sa upuan na gawa din sa kawayan.

" You're beautiful."

Paghanga nito sa kanya, nakasuot siya ng simpleng bestida. At nakalugay ang kanyang buhok at tanging pressed powder at nude  lipstick lang ang kolorete sa mukha.

" Nakuha mo na ako, wag mo na akong bolahin."

Iningusan niya ito, na tinawanan lang siya ng binata.

" Let's eat!"

Excited na sabi niya, matapos ang pinaggagawa nila mula kagabi. Gutom na gutom siya.

Ipinikit niya ang mata, tumahimik ng sandali at nag sign of the cross.

Pagdilat niya, nakangiti na naman na mukha ni Tim ang sumalubong sa kanya. Looking at her na mukhang manghang mangha sa nakita.

Napailing na lang siya at nagsimula na kumain.
Hindi na niya pinansin ang mga titig ng kaharap. Masyado siyang gutom para makipagtitigan pa dito. Baka mamaya makain pa siya ng binata in broad daylight.

" You're small and yet you have the appetite."

Komento nito nang makita ang ubos na niyang pagkain na nasa plato.

" Pagkatapos ng ginawa natin, kailangan mo pa talagang magtaka?"

Aniya, at kinuha ang  buko juice at sinimsim ito.

" Salamat ng marami nabusog ako, ang sarap ang pagkain."

Sabi niya at tumingin sa dagat, parang masarap maglangoy kasi high tide.

Hindi niya napansin na tumayo ang binata at tumayo sa likod niya. Naramdaman na lang niya na me dumikit sa kanyang leeg.

" What is this?"

Itininaas niya ang nahawakan at napangiti siya kasi Jasmin pendant ito na white gold.

" You like it?"

Bulong ni Tim sa tenga niya na nakapag patindig ng balahibo niya.

" Thank you,i love it."

" Good! Take good care of it. And i will take good care of you."

Malambing nitong sabi at niyakap siya ng mahigpit.

Wala masabi at mahihiling pa si Jasmine sa piling ni Tim. Inalagaan siya nito at napakalambing. Nakalimutan niya ang lahat kapag kasama ito at wala na siyang ibang naiisip.

Hanggang dumating ang oras ng medical niya. To her dismay she failed kasi buntis siya!

" Jasmine, stop crying."

Alo ni Doc Jacob sa kanya. Nang malaman niyang buntis siya ito agad ang nasabihan niya. Kasi bigla siyang natakot.

" Anong gagawin ko, doc?"

Nalilito niyang sabi. Paano niya sasabihin kay Tim.?

" We have to tell Theo about this."

Sabi nito agad naman siyang kinabahan ng marinig ang pangalan nito.

" No! Please no.!"

Agad niyang sabi, parang lalong walang mukha siyang maihaharap sa magkapatid.

Natahimik naman si Jacob at mataman siyang pinagmasdan.

Napabuntong hininga ito.

" Why i have to see you always crying? You're breaking my heart Jasmine."

Kahit anong pigil niya hindi mapatid patid ang luha niya.

" Hindi makakabuti sa bata ang ginagawa mo Jasmine."

Muli na naman alo nito.

" Doc, alam ko hindi naman ako tatanggihan ni Tim pati ang bata he will be happy. Pero hindi ako masaya dahil alam natin kung bakit ako lumapit sa kanya. Baka  pag malaman niya kamuhian niya ako. Mahal ko na si Tim doc, pero gusto kong maging karapat dapat ako sa kanya."

Umiiyak pa din nitong sabi.

" Anong gusto mong mangyari? Paano ako makakatulong?"

Naiiling na lang siya kasi hindi din niya alam kung ano din ang gagawin.

" We will continue according to the plan, Jasmine. Tanggapin mo ang pera at magsimula muli."

" I deceived many people at masakit pa mga mga mahal ko sa buhay. Mga magulang ko at ngayon si Tim."

She's really feel bad.

"Pag tinanggap ko ang pera mas lalo akong walang mukhang maihaharap kay Tim. Minamahal ko siya at ayaw kong magalit siya sa akin."

Nagsusumamo ang mga mata nitong luhaan.

" I am part of your misery Jasmine. Falling in love is not part of the plan but since andiyan na iyan. We have to think of any possible solution."

Hindi na muling nagsalita si Jasmine at hindi na din siya tumutol ng isakay siya ni Jacob at isakay sa sasakyan nito at lumisan sa lugar na iyon.

" San tayo?"

Naitanong na lang ni Jasmine ng tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang mansion.  Hindi niya alam nasaan na sila kasi nakatulugan na niya ang pag iyak.

" Dito ka muna sa bahay ko, while I'm figuring out how to help you."

" Baka hanapin ako ni Tim?"

" Meron silang mission,it will take weeks before he comes back."

Sabi nito at inilalayan siyang bumaba sa sasakyan nito.

Pagpasok nila me tinawag itong kasambahay.

" Dalhin mo siya sa guest room."

Utos nito sa babaeng marahil nasa mahigit singkwenta na ang edad.

" Halika iha."

Magiliw nitong sabi. Nasa ikalawang palapag ang sinasabi nitong guest room. Ngayon lang siya nakatapak  sa ganun kagandang silid.

Pero wala kahit anong laman ang kanyang puso kundi pag aalala. Marahan niyang kinapa ang kanyang impis na tiyan.

" I'm so sorry anak."

Impit na naman siyang napa iyak. Nahiga siya sa kama at doon umiyak ng umiyak.

Nagising lang siya ng me marahang  gumigising sa kanya.

" Kanina ka pa hindi kumakain, buntis ka huwag mo sanang kalimutan."

Boses iyon ni Jacob. Pagka rinig sa pagkain, agad kumulo ang kanyang tiyan.

Tumayo siya at sinuklay lang ng kamay ang kanyang buhok, at sumunod kay Jacob palabas ng silid.

Tahimik lang siyang sumusunod dito. Nag tuloy tuloy sila sa malawak na dining area ng mansion.

Pero hindi niya akalain na meron naghihintay sa hapag kainan na ayaw niyang makita.

" General Cervantes."

Mahina niyang usal, ng makita na nakaupo sa hapag ang binatang heneral. Kahit hindi ito naka uniporme at simpleng maong pants at puting t shirt na me itim na leather jacket, ang malakas na aura pa din  nito ay hindi nagbabago.

" Let's eat, Miss Torres."

Sabi nito, walang imik siyang umupo. Marahan naman siyang tinapik ni Jacob. Marahil halata ang tension niya sa harapan nakakatandang kapatid ni Tim.

Hate to lose you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon