Chapter 2

2.2K 76 0
                                    

"Good luck, Jas."

Nakangiti na sabi sa kanya ni, Doc Jacob.
Pilit lang ang kanyang ngiti. Pinakalma ang sarili. Hindi niya alam kung solusyon ang nahanap niya ng mag cross ang landas nila ni Theo Cervantes o panibagong problema.

" Hey, bro."

Malaki ang ngiti ni doc Jacob na pumasok sa magarang vacation house na nakaharap sa dagat.

"Kumusta? Anong meron at naligaw ka yata?"

Parang hindi ganun kasaya ang boses ng sadya nila dito sa bahay na ito.

" What's with your voice? still not well?"

Tanong ni doc Jacob at naupo sa tabi ng lalaki. Dahilan para tumambad sa kanya si Tim Cervantes, in person!

Matapos malaman na ito ang kanyang project at na isip na solusyon sa problema. Nag simula siyang hanapin ito sa social media.

Hindi niya akalain na ganito ito ka gandang lalaki sa personal.

Hindi niya akalain na ganito ito ka gandang lalaki sa personal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What bring you here?"

Gusto sana niya itong titigan ng mabuti pero, parang hindi niya kayang tagalan ang singkit nitong mata na nakatingin din sa kanya.

" You're brother send me here, to check up on you."

Sabi nito na tinaasan lang nito ng kilay.

"Okay, lang ako. Kailan ka pa namin naging family doctor?"

Sabi nito at nalukot ang gwapo nitong mukha ng akmang aabutin ang tubig na nasa center table.

Agad naman siyang lumapit at inabot dito at tubig.

" And who is she?"

Sabi nito sa halip na magpasalamat sa kanya.

Ang mata nito ay nasa kanya habang umiinom ng tubig. Hindi siya makatingin sa klase ng tingin nito.

Ngayon pa lang na gi guilty na siya.

Bago pa makasagot si, Jacob. Humahangos na dumating ang isang babae.

" Tim, what happened? Pinuntahan kita sa hospital nag discharge ka na pala. I am worried sick!"

Agad nitong sinapo ang mukha ni Tim na agad na iniiwas naman nito.

" Caye, Im fine."

" No, you're not!"

Pagpipilit nito. " Let me take care of you!"

" Caye, meron na mag aalaga sa kanya. Si Jasmine, private nurse ni Tim. Kinuha siya ni Theo para mag alaga sa kanya."

Pag putol naman ni Jacob sa bagong dating na dalaga. Parang pag papakilala na din sa kanya.

Alanganin siyang ngumiti.

Kita niya ang paniningkit lalo ng mata ni, Tim. Mukhang gustong mag protesta. Pero sino ang gugustuhin niyang mag alaga sa kanya?

Halata naman na nandidiri siya sa presensya ng katabi.

" You heard Jacob. At bakit ba ako ang kinukulit mo?Di ba dapat si kuya Theo ang pinupuntahan mo at hindi ako. Siya ang boyfriend mo at hindi ako."

Iritable nitong sabi at tumayo mula sa sofa. Hawak hawak nito ang tiyan na ayon kay Jacob ay bagong opera sa appendectomy.

" I want to rest. Help me."

Utos nito sa kanya, na agad naman siyang lumapit. Ipinatong nito ang kamay sa balikat niya.

" Tim, hindi pa tayo tapos. Hindi kita susukuan kahit anong gawin mo. I still want you!"

Sigaw nito at kung gaano nagmamadali na dumating ganun din ang ginawa nitong pag alis.

Naramdaman niya ang pagkuyom ng mga palad nito.

" Fvck."

Mahina din nitong pag mumura.

Maingat niyang inalalayan ito hanggang makahiga sa kama.

" Salamat, you can leave now. I don't need a nurse. Meron akong katulong na pwede umalalay sa akin."

Mag sasalita sana siya ng mag ring cellphone nito nasa bedside.

" Hello Jacob"

Bungad nito sa tawag.

" What? Take her with you!"
Napangiwi ito ng biglang bangon ito sa narinig.

"Oww shit! Damn it!"

Ungol nito habang isinasandal ang ulo sa headboard ng kama.

"No!. Hindi ako nag reklamo kanina para maitaboy si Caye. But that doesn't mean it's okay for me to have a private nurse. Seriously? c'mon  Jacob."

Sige pa din ang protesta nito.

" Balikan mo siya dito!"

Malakas pa din nitong sabi.

" Dammit!"

Napapitlag siya ng ihampas nito ang kamay na may hawak ng cellphone sa kama.

Sinulyapan siya nito.

" What is your name again?"

" I'm Jasmine Torres, sir Tim."

Sabi niya na hindi lumalapit.

"Okay, it seems I have no choice."

Dinampot nito ang telepono at pinindot ang intercom.

" Manang Myra, come to my room.!"

Nilibot niya ang tingin sa kwarto nito. Mukha naman pang lalaki ang interior nito. At kita sa glass wall ang dagat dahil naka hawi ang kurtina.

" Sir, ano pong kailangan ninyo?"

Agad na tanong ng isang babae na marahil nasa late forties na ang edad.

" Dalhin mo siya sa guest room. Siya ang private nurse ko. Gusto kong magpahinga at ayaw kong ma istorbo.Ikaw na bahala sa kanya."

Pag dismiss nito sa kanilang dalawa.

" Halika ka na iha,"

Agad na sabi nito at hinila siya sa kamay.

Sa katapat lang na kwarto ni sir Tim ang guest room nitong sinasabi.

" Dito ang guest room. Ano nga pangalan mo, iha?"

Tanong nito, sa kanya.Habang pinapasadahan siya ng tingin.

" Jasmine po., manang."

Magalang niyang sagot.

"Ako naman si Manang Myra., simula ng mabili ni sir Tim ang property na ito kami ng asawa ko naging katiwala niya."

Pagpapakilala nito at ipinakita sa kanya kung saan nakalagay ang mga kumot. Me binuksan itong isang pinto na sa palagay niya ay banyo.

" Masilan sa bahay si sir Tim, ayaw niya ng makalat."

Sabi nito na matapos masuri ang banyo. Ay, nagpaalam na sa kanya.Meron pa itong ibinilin na tinanguan na lamang niya.

Nang mapag isa,binagsak niya ang pagod na katawan. She's drained, mentally and emotionally.

How did she end up being like this? Siguro sa taas ng ambisyon niya sa buhay?She study hard and work hard para ma qualified as a registered nurse at makapag abroad. Makapag ipon at magpatuloy bilang isang doctor.

Hindi niya alam kung paano haharapin si Tim. But she's already here. For her dreams and her family she has to do it!

Hate to lose you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon