Epilogue

4K 128 27
                                    

Parang lumulutang si Jasmine sa sobrang saya, hindi maalis ang matamis niyang ngiti sa mga labi. Lumipat ang mga tingin niya mula sa kanyang tatlong taon na gulang na anak na babae na napaka cute sa suot nitong gown. Habang nag e enjoy ito sa pag sasaboy ng mga bulaklak sa dadaanan niya. She's really proud of her, naintindihan nito ang espesyal na araw na nila ni Tim.

And her husband waiting for her in the altar na matamis din na nakangiti habang nakatingin sa kanilang anak, ay umangat din ang tingin at nagtama ang mga mata nila. Pareho silang ngumiti ng matamis.

Hindi agad sila nakapag pakasal sa simbahan dahil, pagkatapos ng honeymoon nila sa Quebec agad siyang nabuntis. Gusto daw ni Tim bumawi sa panahon na wala ito sa tabi niya nong pinagbubuntis niya si Kai.

Sinulyapan niya ang anak na nasa unang hanay ng upuan, malaki na ito at sigurado siya madami itong mapapaibig na babae.He just gave her a nod. Handsome snob, iyan ang panganay nila. While her daughter Iris is always smiling and wants to be friend with everybody. Katulad niya ipinangalan nila ang kanilang anak sa isang bulaklak sa kagustuhan ni Tim. Sila daw ang bulaklak ng buhay nito na habang buhay nitong aalagaan.

" I love you."

Sabi niya sa asawa ng makalapit siya. Matamis itong ngumiti.

" I love you more!"

Sagot nito sa kanya, pero bago pa niya maabot ang kamay nitong naka lahad naunahan na itong hawakan ni Iris.

"Papa, carry me!"

Sabi nito. Nagkatawanan ang mga saksi sa kasal nila pati na rin sila ni Tim.

Ang anak nilang babae ay Papa's girl, sobrang lapit nito kay Tim.

Naramdaman niya ang paglapit ni Kai, mataas na ito sa edad na walong taon.

" Iris, come to kuya."

Sabi nito at nilingon naman siya.

" Kuya!"

Tili nito na para bang ang tagal nilang hindi nagkita. Agad itong tumakbo sa kapatid at hawak kamay na itinabi ni Kai sa upuan nito. Andon din kasi ang anak nina Pascal na si Scarlet, halos mag ka edad ang dalawa kaya me kalaro ito.

Nag simula ang seremonya ng kasal na parang walang sila naiintindihan ni Tim. Magkahawak kamay sila at maya't maya sumusulyap sa isat isa.

" You may now kiss the bride. Congratulations."

Anunsiyo ng pari at matamis ang ngiti nilang humarap sa mga tao.

Naririnig nila ang palakpakan habang magkahinang ang kanilang mga labi.

" I'm the happiest woman on earth Tim. Thank you, and I love you."

Sabi niya sa asawa ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

"Same here , sweetheart. You complete me. And thank you dahil sa iyo I have adorable children."

Sumulyap ito sa mga anak na pumapalakpak din.

" Congrats bro!"

Tapik ni Pascal sa balikat ng asawa na bestman nito.

" Thank you, bro."

Balik tapik naman nito sa braso.

" Well, baka mapalitan ng kumpadre ang tawagan natin nito."

Ani Pascal na nakatingin sa unang hanay ng upuan kung saan andun ang mga anak nila.
Pareho sila napatingin ng makita na umiiyak ang anak nitong si Scar.

" Kiss me!"

Iyak nito habang tinagtag ang kamay ng kanilang anak na si Kai.

" No!"

Sabi naman nito.

Natatawang lumapit si Pascal, katulad ni Tim malapit din si Scar sa ama nito.

" Daddy, will kiss you."

Lambing nito sa anak at binuhat. Tumigil naman ito sa pag iyak, pero sinusulyapan nito si Kai na umiiwas naman ng tingin.

Nagkatawanan na lang sila ng Tim.

" Tsked, sana hindi naman ako dumating sa punto na magbayad ng babae para makahalik ang anak natin."

Lalo siyang natawa sa sinabi nito.

Well, sana makatagpo ang mga anak nila ng magiging kasama sa buhay na makakapag pa saya sa kanila katulad nilang mag asawa.

Dumaan man sila sa pag subok, pero dahil alam nila kung kanino siya sasaya naghintay sila at nag tiis.

And it's all worth it!

" Thank you Tim, I love you with all my heart."

Bulong niya habang sumasayaw sa reception ng kanilang kasal. Ang kanyang mga braso ay nasa leeg nito habang ang mga braso nito at nakapulupot sa beywang niya.

" I love you too, Jas. At papatunayan ko sa iyo kung gaano kita kamahal."

" Alam ko wala na akong mahihiling pa. Sa pag suporta mo na lang sa akin to pursue my degree as surgeon, pinatunayan mo how much you care for me."

" Because i hate losing you! Ayaw kong mawala ka na naman dahil sa pangarap mo at gusto mong gawin."

Masuyo niyang tinitigan ang asawa na nakatingin din sa kanyang mga mata.

" I will never leave you again Tim. I promised, dahil ikaw ang pinakamasaya at pinakamagandang ngyari sa buhay ko."

" At pinakamasarap.."

Tumawa siya sa sinabi nito.

" Magmahal."

Dugtong niya. Sumimangot ang gwapo nitong mukha.

" Oo na, pinakamasarap ka talaga kasi wala naman akong ibang natikman."

Bulong niya dito, na nakapag pangiti dito.

" Tara, honeymoon na tayo!"

Yaya nito sa kanya at hinila ang kanyang kamay sa venue ng reception. Nagpahila siya sa asawa at lumabas sila ng reception hall habang pumapalakpak ang mga naging saksi nila sa kanilang kasal.Mga kamag anak, kaibigan at katrabaho.

Napakasaya niya at alam niya na magiging masaya siya kasi nakatagpo siya ng lalaki na takot siyang mawala.

*********the end*******
A/N

Thank you for reading.

Hate to lose you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon