" Hey, let me help you!"
Agad na lumapit si Jasmine, kay Tim at tinulungan itong mag bihis.
" Okay na ako Jas. Kaya ko na."
Natatawa niyang sabi. Dalawang linggo na ang lumipas kaya halos balik na siya sa normal.
At sa loob ng dalawang linggo na iyon nakilala niya ang dalaga at naging komportable siya sa presensiya nito.
Hindi niya alam pero hindi din ito naiilang sa kanya. Katulad ngayon na katatapos lang niya maligo. Balewala dito na nakatapis lang siya ng tuwalya.
" I can do these. Gawin mo na lang kung ano ang ginagawa mo."
Pagtataboy niya sa dalaga.
" Actually, hingi sana ako ng permiso kung pwede ko ba pakialaman ang mga mangga mo sa likod?"
" Bakit ano planong pakikialam ba ang gusto mo?"
Tiningnan niya ito kasi nakapanood ito sa kanya habang nag bibihis. At hindi man lang nag baba ng tingin habang nakikipag usap sa kanya.
Napailing na lang siya sa naisip.
" Ehh, ayaw mo? "
Sabi nito. Kasi hindi humihiwalay ng tingin sa kanya kaya pati pag iling niya nahuli nito.
" Iba ang nasa isip ko kaya ako napa iling, but that doesn't mean ayaw ko. Basta wag mo lang sunugin mga puno ko ng mangga. Pwede mo gawin ang gusto mo."
Napangiti ito sa sinabi niya.
" Salamat."
Pagkasabi noon lumabas na ang dalaga sa kanyang kwarto.
" Asan si Jasmine manang?"
Tanong niya kay Manang Myra na nag pe prepare ng kanilang pananghalian. Galing siya sa likod bahay pero wala doon ang dalaga.
" Nasa tabing dagat po Sir Tim."
Sabi nito, kaya lumabas siya ng bahay at pinuntahan ito sa tabing dagat.
Nakita niya na nakaupo ito sa upuan na gawa sa rattan na nasa ilalim ng punong niyog.
Nagbabalat ito ng mangga, habang me kausap sa cellphone na naka loud speaker.
" Sigurado ka ba anak ayaw mong ihatid ka namin sa airport?"
Narinig niya sa kabilang linya.
" Ma, wag na po. Baka panghinaan ako ng loob pag makita kayo at hindi na ako makatuloy. Okay lang ako ma."
Anito na pinipilit pinapagaan ang sarili.
" Mag iingat ka doon anak."
Halata sa kabilang linya na umiiyak din ito.
" Opo ma. Kayo din diyan ni Papa. Alagaan ninyo ang sarili ninyo."
Nakaramdam siya ng awa sa dalaga, dahil sa kabila ng masayang boses nito tinatago ang mga luha.
" Sige na anak, sana maging maayos na lahat para mabayaran na natin ang bahay at lupa na ating na isanla."
" Ako po bahala ma. Sige ma, mag ayos pa po ako ng gamit."
Paalam ng dalaga. Dahil sa hilam nitong mga mata kaya hindi nito nakita na nahiwa na siya ng hawak na kutsilyo.
Nakatungo lang ito habang tahimik na umiiyak.
Nag angat ito ng mukha ng me humawak sa kamay niya.
" Nasugatan ka na."
Aniya at tinalian niya ng panyo ang dumudugo nitong daliri.
Mas lalo naman itong naiyak.
" Stop crying it won't help."
Pag alo niya dito at pinakalma.
Hindi niya inaasahan ang pag yakap nito sa kanya.
" I'm bad. I'm very very bad, Tim."
Iyak nito, sa kanyang balikat. He just let her cry on his shoulder. Hindi siya makahanap ng kahit anong salita para makapag pagaan sa dinadala nito.
" Hush, Jas. Everything will be alright."
Sabi na lang niya habang mahinang tinatapik ang likod nito.
" Thank you Tim. I'm sorry. I'm so sorry."
Hingi nito ng paumanhin, habang nakatingin sa kanya.
Nginitian niya ito.
" Okay lang. You can cry on my shoulder anytime."
Hindi ito nagsalita. Pinahidan lang ang mga luha. Hinayaan lang niya ito habang tahimik na ipinag patuloy ang pagkain ng mangga.
Inagaw niya dito ang kutsilyo ng muli nitong hawakan.
" Ako na, baka masugatan ka na naman."
At pinag balat ito ng indian manggo. Pero tinitigan lang nito ang binigay niya.
" Jas.,"
Tawag niya sa dalaga sa pananahimik nito.
Nilingon naman siya nito. Habang hawak lang ang mangga na binalatan niya.
" If you need money I can lend you. Para matubos mo ang bahay ninyong naka sanla."
" Salamat ng marami ,pero hindi lang pera kailangan ko. I need to gain my confidence again. At mababalik lang ang kompyansa ko kung maibabalik ko ang lahat dahil sa pag sisikap ko."
Sabi niya. Napahanga naman ako sa determinasyon niya.
" Hindi mo natatanong pero, isa akong scholar. Graduated with flying color. Top notcher in board exam.. But after my application at naloko ng recruiter. Wala na, wala ng natira sa akin. Nawalan ako ng mukha na humarap sa magulang ko at nakakakilala sa akin."
Umiyak na naman ito sa pagkakataon na iyon.
Naiintindihan ko siya. Mukha hindi nga madali ang pinag dadaanan nito. Lalo na kung siya lang ang inaasahan ng pamilya." Do you want to grab some beer?"
Alok na lang niya dito.
" Sure, kung okay lang sa iyo mag lasing ang private nurse mo."
" I don't mind. Wait here, I'll get you some beer inside."
Anito at pumasok na sa loob ng bahay.
Hinabol na lang siya ng tingin ng dalaga. Sari saring emosyon ang kanyang nararamdaman.
Matapos ang ilang sandali may dala na itong beer in cans at ilang chips.
" You're not allowed to drink okay?"
Sabi niya at inabot ang binuksan nitong beer.
" Sure, i will just watch you. Baka mabitin ka din kung saluhan pa kita."
Nakangiti nitong sabi.
" I need this. I badly need this!"
Nilagok niya ang beer ng walang inhibisyon.
Tim is just watching her. Mukhang balak talaga ng dalaga na mag pakalasing.
Matapos ang tatlong can ng beer. Nag simula na itong maging madaldal.
" Bakit wala kang girlfriend?"
Tanong nito sa kanya. Mapula na ang pisngi nito. Marahil me epekto na ang beer na iniinom nito. Sa katanghalian ba naman naisapan uminom.
" Paano mo nasabi na walang akong girlfriend?"
" Eh, wala naman pumunta dito para alagaan ka noong me sakit ka."
Sabi nito na pinag diskitahan naman ngayon ang pringles.
" Kasi meron naman na akong nurse na mag alaga sa akin?"
Patanong nitong sagot sa kanya.
"No! At least man lang dalawin at samahan ka! Yong totoo? Bakit wala kang girlfriend? Ang pogi pogi mo pa naman!"
BINABASA MO ANG
Hate to lose you!
Roman d'amour" I want to kill you for what you did! But I hate to lose you!" Ito ang laban ni Tim Cervantes pagdating sa babaeng kanyang minamahal na si Jasmine Torres! Kinupkop, minahal at handang pakasalan. Pero tinakasan siya at nagtago. Later he found her wi...