Chapter 3

1.9K 76 0
                                    

"Good morning, manang?." Bati niya sa katiwala ni Tim na naghahanda ng pagkain.

" Magandang umaga iha!" Bati nito at tumingin sa kanya.

" Ang ganda mo palang bata, hindi kita napag masdan kagabi. Dalaga ka pa?"

Tanong nito, habang tinatapos ang paghahanda.

Tumango lang siya.

" Kay Sir, Tim po ba iyan?"

Pag iiba niya ng usapan.

" Oo, maaga nagising, gusto niyang mag almusal sa kubo niya sa likod."

Sabi nito at iniangat ang tray ng pagkain, pero pinigilan niya.

"Ako na lang po mag serve kay sir Tim. Sabihin ninyo lang po san ang kubo niya."

Presenta niya.

" Saka kailangan po niyang uminom ng gamot. Isabay ko na lang po."

Sabi niya na naka ngiti. Matapos ituro nito ang daan, tinungo na niya ang kinaroroonan ni Tim.

"Good morning sir Tim.!"

Masigla niyang bati, habang tinatago ang kaba sa dibdib. She can't look into his eyes.

Nag angat ito ng tingin sa kanya, pero tinuon niya ang paningin sa tray ng pagkain at maingat na inilapag sa harapan ng binata.

Wala siyang narinig na kahit anong salita dito kaya sinulyapan niya ito, na mukhang malaki niyang pagkakamali ng araw na iyon.

Matiim pala itong nakamasid sa kanya. Kaya muntik ng matapon ang baso ng tubig na ilalapag niya sa tabi nito.

" Jesus!" Aniya na pinakalma ang sarili.

" Are you this clumsy? Paano ka naging nurse?"

Masungit nitong sabi. At humigop ng kape habang nakatingin pa din sa kanya.

" I'm sorry, first time ko lang kasi mag private nurse."

Hingi niya ng paumanhin. Kailan kaya ito titigil ng katitingin sa kanya? Masyado na siyang kinakain ng konsensya niya.

"I don't think that's the reason.."

Komento nito, at nagsimula ng kumain.

" Did you had your breakfast?"

Maya maya tanong nito ng hindi siya gumagalaw sa pagkakatayo niya.

Umiling siya.

" Then, go. Have your breakfast.Sabihan  mo si manang Myra siya na kumuha nito  maya maya."

"Sige po, amm. Andiyan na din po sa tray ang gamot ninyo."

Nahihiya niyang sabi. At tumalikod na ng tumango ito.

Nagmamadali siyang bumalik sa loob ng bahay . Grabe wala pang bente kwatro oras parang gusto na niyang sumuko.

" Jasmine, halika na sumabay ka na sa amin."

Alok sa kanya ni manang  myra na magana ng kumakain ng almusal.

" Sige po manang."

**********

" Jasmine, Tawag ka ni sir Tim!"

Pagkarinig niya sa pangalan niya,nagmamadali siyang nagbihis. Katatapos lang niya maligo.

Sinuklay lang niya ang buhok. At nagmamadali na pumasok sa kwarto ni Tim.

Gusto sana niyang umatras pero huli na nilingon na siya nito.

Hate to lose you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon