Chapter 7: Seven High

6.9K 320 26
                                    

"So?"

"Sabi niya magkita kami sa Building 1." Pagkwento ni Jack.

Tumawa ako. Ako lang nakakaalam sa sikreto ni Jack na may babaeng sinusuyo ito. Kung sino man siya, maswerte siya dahil duwag at takot ang isang 'to. Takot ata mahuli sa usapan.

Umangat ang kilay ko. "Hindi ba bawal kayo don?"

He chuckled. "Well.."

"Sige na! Basta balik ka dito bago ka mahuli ni Cheska." tawa ko.

Tumango siya. "Babalik ako," aniya.

Mabilis siyang naglaho sa paningin ko. Nilibot ko ang paningin ko. Napakaraming tao at mga estudyanteng nagsasayawan.

May humarang sa harapan ko. "Can I dance with you?"

Isang lalaki ang nakalahad ng kamay sa akin. Kinakabahan itong tumingin sa akin na para bang isa akong mamahalin na gamit. Aabutin ko sana ang kamay nito nang may naunang kumuha nito.

"Ako na lang," ani Cheska at hinawakan ang kamay ng lalaki.

"And oh, cheers." Inabot niya sa akin ang isang baso.

Napakamot sa ulo ang lalaki bago sila pumunta sa gitna at sumayaw. Tumawa ako sa naging itsura ng lalaki dahil mukhang bigo ito. Si Cheska naman ang kasayawan niya kaya dapat maging grateful siya!

"Hindi ko naenjoy," reklamo ni Charli at tumabi sa akin.

Tinanggal niya ang kanyang heels bago nilapag ito sa gilid. Napansin ko ang pamumula ng paa nito.

"Same." ani Sky at tumabi sa kabilang gilid.

"Saan ba kayo galing?"

"Kinausap ang mga bisita na galing sa ibang bayan. 'Yung iba pa nga masungit, 'kala mo naman kung sino." ani Charli.

Humalakhak si Sky. Tinuro niya ang baso na inabot sa akin kanina ni Cheska. "Ayaw mo?"

Umiling ako. Agad kong nilagok ang baso kanina. Umasim ang mukha ko nang malasahan ko ito.

"Ganito ba talaga lasa nito?"

Tumawa si Charli. "Hindi naman ah? Baka first time mo."

Tumango ako. Pakiramdam ko naiinitan ako kahit nakafully air-conditioned naman ang Hall. Niyaya kong sumayaw sila Sky at Charli dahil kanina pa naman ako nakaupo.

"Sexy," ani Sky at sumayaw sa harapan ko.

Tumawa kami nang sumayaw si Charli. Muntik pa ako matumba kaya napakapit ako sa balikat ng lalaki. Lumingon ito sa akin at ngumiti.

"Ayos ka lang?" he smiled.

Pilit kong tiningnan ang itsura nito. Pakiramdam ko sumasayaw rin ang paligid kaya nahirapan ako kilalanin ito.

"I'm sorry, I'm sorry." pag ulit ko, habang pinipilit ko tumayo nang maayos.

"Elysse?" rinig kong sigaw ni Charli.

"Shit." a man said.

Bago pa man ako bumagsak ay nakita kong nagmadali si Ethan na saluhin ako. Katabi nito si Cheska at Charli na nag aalala sa akin. Si Sky naman ay umiiyak sa gilid.

"Keep your eyes open. Now!" utos ni Ethan sa akin ngunit ngumiti na lang ako bago pumikit.





Isang linggo ako hindi pumasok simula nung nangyari ang party. Araw araw naman bumibisita si Sky para ituro sa akin ang mga pinag aralan nila. Si Charli naman ay maaga umuuwi para lang bantayan ako. Minsan na rin dumalaw si Cheska sa dorm kasama si Jack na panay ang sorry sa akin.

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon