Chapter 22: Dagger

4.2K 193 4
                                    

Elysse POV

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa dorm habang lutang ako nagiisip.

Hindi ko maintindihan kung bakit nakikita nila sa akin si Leilei. Tanging alam ko lamang sa kanila ay kaibigan nila itong hindi na nagpakita pa. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot akong isipin na nakikita nila sa akin Leilei gayunman, ako si Elysse.

Ginagamit ba nila ako?

Nakarating ako sa kwarto habang iniisip kung bakit nagawa sa akin ni Ethan yon. He's soft when it comes to Leilei. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko. Should i accept this? Ang hayaan na ituring nila akong Leilei? God, hindi ko na alam.

Kumuha ako ng tubig dahil pakiramdam ko uhaw na uhaw ako sa mga nangyayari. Bahagya akong umupo sa mesa at nag isip isip.

Sino kaba talaga Leilei?

Mas mabuti pang huwag ko nalang isipin ang problema nila. Si Leilei at ako ay magkaiba. Iyon.

Pumunta ako sa higaan habang nililibot ko ang paningin sa kwarto. It's already 7:30pm. Pauwi na kaya si Charli?

Hinubad ko ang aking earrings at naisipang ilagay sa cabinet nang may napansin akong kakaibang alahas. Kinuha ko ito at bahagyang pinagmasdan ang kwintas. It's a silver necklace with a shape letter of 'L'.

Naramdaman kong bumukas ang pintuan kaya naman ibinalik ko agad ito sa pinanggalingan. Kung kanino man iyon, kailangan kong isauli baka mapagbintangan pa akong magnanakaw.

"Aga mo naman bumalik?"

Tumango ako dito dahil wala naman akong gagawin kung mananatili ako don. Hindi ko alam basta gusto ko nalang tumakas sa kanila at hindi mapagbintangan na si Leilei.

"Yeah, medyo pagod eh."

Tumango naman ito at dumiretso sa kitchen para kumuha ng tubig. Pinasadahan niya pa ako ng tingin bago nilagay sa sink ang baso.

"Hinahanap ka nila Sky kaso di ka naman mahagilap." aniya

"Tapos naba ang party?" pag iiba ko.

"Oo, everything went smooth." sagot nito.

Tumango ako dito at naisipan muna na maglinis ng katawan bago matulog. Hindi na siguro ako kakain, medyo busog pa kasi ako.

Inaayos ko ang aking higaan nang bahagyang tumabi sa akin si Charli na parang pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Kumunot naman ang noo ko sa ginawa niya.

"Wala, I'm still wondering kung ano ang pagkahawig niyo ni Leilei." aniya

"Kilala mo si Leilei?"

Umiling ito sa akin. "Nakwento lang ni Jack." aniya

"Kung sino man yon, malamang malaki ang pinagkaiba niyo. And i'll choose you, no matter what happens."

Natigilan ako sa sinabi nito.

"Sige na, kakain na ako sa Dining Hall. Hindi kaba talaga nagugutom?" tanong niya ulit.

"Hindi na. Medyo napagod ako." pagdadahilan ko.

"Okay, see you."

-

Nagising ako sa isang ingay na nagmumula sa kusina. May mga nagtatawanan at iba naman ay nagsusuway na baka magising ako.

Kinusot ko ang aking mata at tumayo sa higaan. Pinuntahan ko kung saan nagmumula ang ingay.

"Masyadong pinanggigilan nila ang booth ni Jack. Hotdog lang naman laman." ani Cheska habang nakaupo sa upuan.

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon