Chapter 21: Exchange

4.3K 193 5
                                    

A/N: Hi guys, hope u'll support my new stories! Prologue lang po muna ang nilabas ko para sainyo. You can check it!

1.) Goddess in the Sheets (Teen Fiction)

---

Third Person POV

Planado ng apat na guro ang magbigay ng isang party para sa mga estudyante. Ito ang magiging gabay nila habang gagawin nila ang kanilang plano na pumunta sa Pioneer Academy, kung saan ito ay paaralan ng mga Witch.

Lumabas ang apat na guro sa paaralan at inaasahan na nila ang kanilang kaibigan na si Frias at Isaac ang sasama patungo sa kabilang paaralan.

"Kamusta ang anak namin?" tanong ni Isaac sa apat na guro.

Tumango ang babaeng tinatawag ng mga estudyante bilang 'Cher Holly'

"Kasalukuyan silang nasa party para kahit papaano, hindi nila mapansin ang paglisan namin don." sagot nito.

Tumango ito kahit na bakas sa mukha ng Ina ni Elysse na hindi nito maiiwasan na mag-alala sa kaniyang anak. Ngunit ito lamang ang tanging paraan para sa kanilang anak na maging ligtas, ang pananatili nito sa paaralan kasama ang kaniyang mga kababata.

"Tara na at alam kong handa na sila sa pagdating natin." ani Henry habang hawak nito ang yosi.

Tumango ang apat at bahagyang tumabi para mabigyan ng daan si Jade, isa sa mga kakayahan nito ang gumawa ng isang lagusan patungo sa kanilang destinasyon.

Pumasok sila sa isang puting liwanag at bumungad dito ang isang kwarto kung saan may mesang pahaba at may mga pagkain ito. Hindi maiwasan na magtaka nina Isaac at Frias sa kanilang nakikita.

'Planado ang pagdating namin' iyon ang nasa isip ni Henry habang nililibot ang tingin sa kwarto.

Kasalukuyan sila ngayon sa isang office ng Pioneer Academy. Hindi maiwasan mamangha ng ibang guro sa itsura nito. Malinis at maayos ang pagkakalagay ng mga kagamitan sa paligid tila iniingatan ito nang mabuti.

"Bakit hindi muna kayo maupo?" sabi ng isang lalaki mula sa isang pintuan.

Nagulat sila nang makita ang itsura nito. Ibang iba sa inaasahan nila. Namayat ito at hindi maiwasan sa mukha ang katandaan pero hindi mo maitatanggi na malakas pa din ang tindig nito.

"Amber Philips." bulong ni Holly habang pinagmamasdan nito.

Tumango ang lalaki at bahagya itong napangiti nang maalala nito ang kaniyang pangalan. Pangalan kung saan, isa siya sa mga nagtatag ng isang paaralan na tinatawag na ngayong Monarch Academy.

"Ako nga." may halong respeto ang pag sagot nito.

Umupo ito sa gitna at hindi pinansin ang titig ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Bahagya pa siyang tumawa nang makitang hindi gumagalaw sa pwesto ang kaniyang mga bisita.

"Maaari kayong umupo." aniya

Unang umupo ang isa sa mga guro na si Raven. Isang taong mala-misteryoso ang dating, mahirap basahin ang isang tulad niya. Sumunod naman dito ang tatlo pang guro at huli, ang magulang ni Elysse.

"So, ano ang pag-uusapan natin?" balewalang tanong nito.

Ngumisi si Henry sa nakita niyang pag-akto ng matanda sa harapan. "Alam mo ang pakay namin." aniya

Humalakhak ang matanda sa sinabi nito. Animo, hindi makapaniwala sa taglay na katapangang ipinakita ng nag-iisang Henry sa mundo.

"Hindi ko alam ang pakay niyo, maaari niyo bang sabihin?" pagtanggi nito.

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon