Chapter 34: Unity

3.2K 151 4
                                    

Charli's POV

Isang araw na makalipas simula nung nangyari kay Elysse na hanggang ngayon nakahiga pa din sa kama at mahimbing natutulog.

Sinikap namin na magsalitan dito sa hospital. Minsan sila Cheska ang nagbabantay, minsan naman si Dylan pero madalas si Ethan. Kapag naaabutan namin siya, tahimik ito habang hawak ang kamay ng kaibigan namin. Minsan na din namin siyang naabutan na nakatulog dahil sa pagod.

I know he's doing his best para manatili dito at bantayan ang kaibigan namin kahit na ang katawan niya ay sumusuko na. Sinubukan na namin siyang pilitin na magpahinga, babalik ito sa kaniyang dorm ng ilang minuto makalipas tas babalik na naman dito sa hospital.

Ngayon ay pinapatawag kaming anim para sa isang meeting. Nakakapanibago dahil nasanay na akong pito kaming pupunta pero ngayon, kailangan muna magpahinga ng isa sa amin.

Ang magulang ni Elysse ang naiwan sa hospital. Hindi na kami pumalag dahil alam namin na mas ligtas siya kung hawak ito ng kaniyang magulang.

Tahimik naming tinahak ang office at nang makarating kami dito, kapwa tahimik din ang mga guro at tila minamanman ang bawat galaw namin. Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan.

"Umupo kayo." ani Cher Henry

Umupo naman kami agad at walang nagbalak na magbasag ng katahimikan. Nakakapanibago.

"Alam kong may kutob kayo kung sino ang maaaring gumawa nito. Ganon din kami pero hindi tayo pwede magpadalos dalos dahil alam nating kaya nilang baliktarin ang sitwasyon." dagdag niya

"I just want to kill them." galit na sabi ni Ethan.

"Hindi pwede." mariin na sabi ni Raven

Tumahimik nalang si Ethan. Alam kong nagpipigil na din siya sa mga oras na ito. Kahit ako, gusto kong maparusahan ang may gawa nito pero maaaring tama nga si Cher Henry, hindi kami pwede magpadalos dalos.

"Gusto ko lamang makinig kayo sa amin hangga't maaga pa." makahulugang sinabi ni Cher Henry. Tumayo ito at may kinuha sa cabinet.

Pinasadahan ko ng tingin ang aking mga kasama. Kapwa nagtataka din sila kung ano ang gusto nitong iparating.

Nilapag nito ang isang mapa. Lumapit naman kami at pinagmasdan ito. Ito ang Pioneer Academy.

"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit nila binalik ulit sa atin si Elysse?" tanong sa amin ni Cher Henry

Tumikhim ito. "Dahil panigurado, binigyan niya ito ng isang desisyon. Maaaring pinapili siya sa dalawang bagay at binigyan ng oras kaya siya binalik dito. Hindi ako tanga para hindi malaman yun." mariin na sabi nito.

Tumango naman si Cher Holly. "It's either her powers or kayo." aniya

Natigilan ako nang marinig ang huling sinabi nito. Tama ba ang narinig ko?

"Damn it." bulong ni Ethan

Kilala namin si Elysse, kung maaaring tama nga ang sinabi nila. Hindi malalayo na..... piliin niya kami

"Kaya as much as possible, tell her na hindi niya kailangan piliin ang bawat isa sainyo. Her powers could save us." ani Cher Jade

Tumayo si Cher Raven at tumabi ito kay Cher Henry. Nagkatinginan sila na parang may gustong iparating.

"Malaki ang Pioneer kaya kailangan niyong aralin ang loob nito. Marami silang pasikot sikot at madaming taguan---"

"Ano ang gusto nyong iparating?" tanong ni Dylan.

Tumikhim si Cher Henry. "Maaaring magsimula na." he said.

"Anong magsisimula na?" Cheska asked.

"War between Monarch and Pioneer."

Umawang ang bibig ni Cheska nang marinig ito. Napailing naman si Jackson at tila inaasahan na ito. Dylan just shrugged and Ethan? mariin na pinagmamasdan ang guro namin.

"Matagal na nila itong gustong iparating. Bakit hindi natin tanggapin ang alok nila?" nakangising sabi ni Cher Raven.

-

Elysse POV

Nagising ako at tumambad sa akin ang isang ilaw mula sa kisame. Nasaan ba ako?

The last time i checked, nasa isang kwarto pa ako. Kasama ang taong nagbabanta sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito.

"Elysse, gising kana anak!"

Nilingon ko ang pamilyar na boses at hindi ko maiwasan na maluha. I saw my parents.

Lumapit naman agad sa akin si Mom at marahan na hinawakan ang buhok ko. "May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Isaac, call her doctor!"

Napalingon ako kay Dad na simpleng nginitian ako and he mouthed, 'i love you' bago siya umalis sa kwarto.

"Ayos kana ba talaga? Anong ginawa nila sayo?" mangiyak ngiyak na sabi ni Mom

Tumango lang ako at ngumiti para sabihin na ayos lang ako. Pakiramdam ko lang ang bigat bigat ng katawan ko pati pagsasalita kinakatamaran ko

Narinig ko ang pag bukas sara ng pinto

"Omg, lei!"

Agad na lumapit sa akin si Cheska at niyakap ako. Pinasadahan ko ang mga kasama niya na kapwa nakangiti na din sa akin. Mukhang masaya sila sa paggising ko.

"What happened to you?" Jackson asked.

Umiling ako. Ayokong malaman nila ang desisyon na maaari kong gawin. I'll always choose them kahit ano pa ang kapalit.

Tumabi naman si Mom at hinayaan silang makalapit sa akin. I saw Charli, she's crying. Tumango lang siya sa akin para sabihin na ayos lang siya.

"Buti naman okay kana." ani Sky at hinawakan ako sa kamay.

I smiled

"Hey."

Tumingin ako sa gilid ni Cheska and then, i saw Ethan. Ramdam ko ang marahan na hininga nito. Bahagya pa siyang ngumiti sa akin.

"Are you okay?" he asked.

Tumango ako

"Lei."

Nagulat ako nang marinig ko itong lumabas sa bibig ni Cheska. Mariin niya akong tinititigan na parang binabantayan ang magiging reaksyon ko.

"Bryleigh." ulit niya

Tumango ulit ako. Naaalala ko na ang lahat. May mga bagay pa rin na medyo malabo sa akin but one thing im sure, sila ang mga kaibigan ko simula umpisa pa lamang.

"Sabi na nga ba, ikaw si Leilei. Bakit hindi ko napansin yon?"

Agad naman siyang binatukan ni Dylan. Tumawa ito at bumaling sa akin.

"Are you okay?" pag ulit niya sa tanong ni Ethan.

"I'm okay."

Lumuwag ang yakap sa akin ni Cheska at bahagyang nilapit ang bibig na parang may ibubulong.

"Don't choose us." she whispered.




Nanlamig ang katawan ko nang marinig ko ang munting bulong niya. Umatras naman siya para bigyan ng daan sila Sky papalapit sa akin.

"I'm glad, you're okay." Charli said while holding my hands.

I smiled.



I guess, alam na nila ang plano ko.

---










Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon