Chapter 23: Jackson Eli Wyatt

3.9K 188 12
                                    

A/N: Please welcome, my one and only Jackson Eli! haha.

I just want to promote my other stories:

1. Gone with the Wind (Wind Series #1) Ongoing
   Genre: Teen Fiction

2. Step by Step (3 Collection ONESHOT) COMPLETED
   Genre: Teen Fiction

---

Jackson's POV

Katulad nang inaasahan ko ay natapos agad ang aming training. Pinauwi agad kami para makakuha ng sapat na lakas dahil pakiramdam ko, magkakaroon na naman kami ng mission. Whoo! tagal ko din nawala noh.

Nauna nang makaalis sa akin sila Cheska habang nanatili naman ako dito sa Training Room. Napagpasya kong lumabas muna at maggala o maghanap ng mga babae.

Napili kong pumunta sa isa sa mga favorite spot namin magkakaibigan, ang garden ng MA. Dito ako madalas tumambay kapag walang ginagawa. Apat lamang kami nakakapunta dito dahil isa ito sa mga pinagbabawal na lapitan ng mg estudyante syempre except kami don!

Kumunot ang noo ko nang makita ko si Ethan na nakahiga sa damuhan. Nakapikit ito at mukhang maraming iniisip. Umupo ako sa tabi niya.

"What are you doing here?" aniya habang nanatili pa din sa pwesto nito.

Tumikhim ako. "Nakaupo." sagot ko

Umayos ito at naisipan na umupo katulad ko. Nakatalikod ito sa akin.

"Do you think... she's Leilei?"

Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko naman inaasahan yun noh, akala ko pa naman babae ang pag-uusapan namin.

"I don't know, we can never be so sure." sagot ko

Simula nung dumating siya, may panahon na nakikita ko sa kaniya si Leilei but she's still the same, Elysse. I love them both, naging parte na din ng buhay ko si Elysse. At hindi ko pinagsisihan iyon.

Bumuntong hininga ito. Looks like my friend is having a hard time. Hindi ko siya masisisi. Alam kong bata pa lang kami, mahalaga na sa kaniya si Leilei kahit na madalas sila mag- away nito. He's still soft when it comes to Leilei. Kaya ganun nalang ang nangyari sa kaniya nang malaman niyang inilayo ito sa amin. I wonder, ano kaya itsura ni Leilei? Sexy kaya?

Hindi ko maiwasan na mapangiti nang pumasok sa isip ko ang pinakamasayang nangyari sa akin pero ito rin ang pinakamasakit para sa amin. The last time we saw her.... smiling at us.

-flashback-

"Nandito na daw sa mansion si Leilei!" sigaw ni Cheska at agad na bumaba sa kwarto ko.

Nandito sila ngayon sa mansion ng aming pamilya. Madalas tumambay dito ang mga kaibigan ko at dito kami madalas maglaro. Minsan lang kasi payagan si Leilei makipag-laro sa amin dahil palagi naalis ang pamilya nila sa Sandovas. May kaibigan din si Leilei dun kaya minsan nagseselos kami sa kaniya eh.

Sumunod naman agad kami ni Ethan habang si Dylan ay nauna na sa baba. Dylan loves Leilei bilang kababatang kapatid.

"Hi Dylan!" ani Leilei habang may hawak na lollipop.

"Hello, lei." aniya at yumakap kay Leilei na nakangiti sa amin.

"Let's play, lei!" ani Cheska at agad na hinatak si Leilei palabas.

"Why are you guys still calling me Leilei?" kunot noong tanong nito nang makarating kami sa playground.

"Leilei is cute and Bryleigh is pretty. What do you prefer?" nakangiting tanong sa kaniya ni Ethan.

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon