Chapter 12: Training Room

6.1K 270 8
                                    

[NOT EDITED]

Nagising ako sa isang malambot na higaan. Ngayon ko lang napansin na nasa kama ko na pala ito. Teka, ano bang nangyari?

Inilibot ko ang paningin ko sa dorm. Tahimik at nakabukas ang bintana namin. Sinilip ko ang orasan at saktong 6:30 na ng umaga. Shit!

Saktong pag-angat ko ng ulo ay biglang nanakit ito. Geez! Ang sakit masyado.

Narinig kong bumukas ang pintuan mula sa banyo at iniluwa nito si Charli na nakabihis na ng uniform. Agad naman siyang lumapit sa akin nang makitang gising na ako

"Elysse! Okay kana ba?" natataranta niyang tanong sa akin. Tumawa naman ako at tumango

"Yes, okay na ako. Maliligo na ako baka ma-late pa!" natatawa kong sinabi at tumayo

Hinawakan naman niya ako sa kamay. "Magpahinga ka muna, utos yon ng mga guro." aniya

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Agad naman pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi. Yung pagsayaw namin ni Jackson at ang paglapit ko kila Charli na hindi naituloy dahil sa biglang pananakit ng ulo ko. Shit! Bakit muntik ko na makalimutan?

"Ano ba kasi nangyari?" tanong ko. Umiling naman siya at isang malungkot na ngiti ang binigay niya sa akin.

"Soon, I'll tell you but for now, you need to rest." aniya at niyaya akong bumalik sa higaan.

Sinunod ko ang gusto niya at humiga kahit na nagtataka pa din ako sa kinikilos niya. She looks sad pero ayaw niya ipahalata sa akin. I tried to open her mind pero sarado. Teka, how come na kaya niyang gawin yon?

Sinabihan lang ako ni Charli na may pagkain na sa mesa at babalik daw agad siya pagkatapos ng klase. Dahil isa akong dakilang pasaway, naligo agad ako nang makaalis siya.

Sinuot ko agad ang uniform ko at sinilip muli ang orasan. 7:10 am na

Sumubo ako ng konting ulam sa hinanda ni Charli at agad na nagmadaling umalis. Halos takbuhin ko na ang kabilang building para lang maabutan ko pa ang klase

Nakasalubong ko ang isa sa mga kaklase kong babae. "May teacher na?" tanong ko dito

Mukhang nagulat sa biglang paglapit ko sa kaniya at agad naman itong umiling. Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi nito at agad na nagmadali para makapunta sa klase

Nang makarating ako ay isang tanong agad ang sumagi sa isip ko. Nasaan sila? Bakit bakante ang mga upuan nila?

"Uy, Elysse. Ikaw pala, bakit nandito kapa? Tinawag silang lahat eh." sabi ng kaklase kong lalaki

"Saan daw?" tanong ko pero nagkibit balikat lang ito sa akin

Agad naman akong nagpasalamat at umalis. Wala naman silang ginagawa sa room at puro kwentuhan lamang ang nangyayari tungkol sa event kahapon

Pinuntahan ko ang office pero walang tao dun bukod sa mga taga bantay. Ngayon ko lang napansin na humigpit ang seguridad nitong school. Mas dumadami ang mga nagbabantay sa paligid

"Uhm, nasaan po sila?" tanong ko sa isang lalaking nakauniporme at may tatak ng Monarch Academy

"Nasa training room po silang lahat." aniya

"Saan po iyon?"

"Main building, 3rd floor po ma'am." sagot nito

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad na tumakbo sa kabilang building. Ginamit ko nalang ang elevator para madaling makaakyat sa lugar kung nasaan sila.

Nang makarating ako sa ikatlong palapag, hindi na ako nahirapan pang hanapin ang room dahil may nakapaskil ito sa itaas at higit na ipinagbabawal ang pagpasok dito kung wala kang permiso

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon