Chapter 30: Warning

3.4K 176 19
                                    

A/N: Thankyou po sa 700 reads! Naappreciate ko po talaga sobra huhu. 10 more chapters!

I would like to invite you to read some of my stories!

1.) Hear the Wind Sing (Wind Series#1)
2.) Goddess in the Sheets
3.) Step by Step (COMPLETED)

---

Third Person POV

Ngayong gabi gaganapin ang kanilang simpleng handaan na plano ng isa sa mga guro na si Cher Henry. Napili nitong ganapin sa isang dorm room kung saan malawak at may mga higaan na nakahanda. Naglabas din siya ng mga pagkain at syempre, hindi mawawala ang beer!

Nauna nang dumating ang apat na guro at iba't ibang bagay ang kanilang pinag uusapan habang wala pa ang kanilang pitong estudyante. Hindi muna nila inisip ang mga problemang nakaabang, kahit minsan daw matuto naman silang iwasan ang problema kahit isang gabi man lang, ayon kay Cher Jade.

Sa kabilang parte, kasalukuyan na magkasama sa dorm sina Charli, Sky at Elysse na naghahanda nang kanilang sarili. Napili nilang mag pajama party dahil kay Charli.

"Corny naman nito." komento ni Elysse habang pinagmamasdan ang kaniyang dalawang kaibigan.

"Style yan!" ani Charli na mukhang tuwang tuwa sa itsura ng kaniyang kaibigan.

Napairap na lamang ito at niyaya na ang dalawa lumabas. Saktong pagbaba nila ng hagdanan, nakasalubong nila si Cheska na hindi maipinta ang mukha. Hindi niya rin gusto, ayon ang nasa isip ni Elysse.

"Damn, looks like a clown." komento niya.

Tumawa silang tatlo sa naging komento ni Cheska at niyaya na ding pumunta sa Building 3 kung saan naroon na din ang mga guro.

Pagkababa nila sa kanilang building, nakasalubong nila ang tatlong lalaki. Si Jackson na tuwang tuwa, Dylan na tamad sa mundo at si Ethan na namumula na sa inis.

I swear, I'm gonna kill someone. Kung sino man ang nag-suggest nito. Ito ang nasa isip ni Ethan.

"Cool!" komento ni Jackson nang makita ang mga kaibigan nilang babae.

Pinasadahan ni Ethan nang tingin si Elysse. How come na manage niyang magsuot ng ganyan? Anyways, she's cute.

Napagpasyahan na nilang dumiretso sa kabilang building habang ang tatlo na sila Ethan, Cheska at Elysse ay hindi matanggal sa mukha na iritado na ito.

Excited na kumatok sa pintuan si Jackson at sumalubong sa kanila ang ingay mula sa kwarto. Cool!, iyon ang nasa isip niya buong magdamag.

Nilibot ni Dylan ang tingin niya sa kwarto at tamad itong tumabi sa mga guro. Bumati naman sa kaniya si Cher Holly, tango lamang ang isinukli nito.

Lumapit ang pito sa mga guro at bumati ito ng may galang. Ayon sa mga guro, hindi sila magtatagal dahil may mga trabaho pa silang kailangan gawin kaya naman abot langit ang saya ng kanilang mga estudyante.

Hindi rin nagtagal, umalis na din ang apat. Abot langit ang ngiti ni Jackson nang makitang may mga beer sa mesa. Nakakamiss naman 'to!

Umupo ang mga babae sa sofa at napag isipan na magkuwento tungkol sa kanilang mga mission. Nanatiling malapit sa mesa ang tatlong lalaki habang pinagmamasdan ang mga babaeng masayang magkwentuhan.

"Kamusta naman mission niyo?" baling ni Dylan kay Jackson

"Good." sagot nito habang abala sa pagsasalin ng alak sa baso. Inabot niya ang dalawang baso kay Ethan at Dylan.

"Mas good kung hindi umepal ang isa." dagdag niya pa.

Kumunot ang noo ni Dylan. "Sinong umepal?" tanong niya

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon