Chapter 27: Checking

3.4K 177 12
                                    

"Ely, kung saan saan kita hinanap! Nandito ka lang pala!"

Humarap ako kay Jack at hindi maiwasan na ngumiti. He's cute. Mukhang kanina niya pa ako hinahanap dahil may tumulong pawis mula sa mukha niya.

Kinuha niya naman ang kamay ko at hinila pabalik sa pwesto namin. Bahagya pa akong sumulyap sa pwesto namin kanina kung saan nakausap ko ang batang babae.

Binitawan niya ang kamay ko at hinarap. "Huwag mo na gagawin ulit yon, malalagot talaga ako nito."

Tumango ako dito. "Oo na po at kanino ka naman malalagot?"

Umiling ito at hinatak na ulit ako pabalik sa bahay. Nang makarating kami ay dumiretso ito sa sala at umupo. Tumabi naman ako dito.

"Kamusta na kaya sila?"

Tumingin ito sa akin. "They're doing fine kaya dapat ikaw din." masungit na sabi nito.

Tumawa naman ako at hindi maiwasan na kurutin ang pisngi. "You're cute!"

Tumawa ito habang pilit tinatanggal ang kamay ko.

"Lei, i said stop."

"Err, i mean.. Elysse." dagdag niya

Natahimik ako sa sinabi nito. Ganun naba talaga ang epekto sa kanila ni Leilei kaya pati ako napagkakamalan?

"Can you please tell me about Leilei?"

Tumikhim ito at mukhang nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya pero wala itong nagawa kundi  tumango

"She's our friend, childhood friend." panimula niya.

Sumandal ito sa sofa at pinagmasdan ang kisame. "Dylan loves her, Cheska loves her, Ethan loves her and syempre, love ko din yon." aniya at ngumiti

"Swerte niya pala sainyo noh."

Tumango siya. "Swerte din namin dun, she's an angel for me. Minahal talaga namin siya noong bata pa lamang kami. Siya ang dahilan kung bakit nabuo ang pagkakaibigan naming lahat."

Ngumiti ako dito. True. Nagawa niyang palambutin ang isang Ethan na minsan ko na din nasaksihan.

"Everytime na tumatambay sila sa mansion namin puro 'Nasaan naba si Lei?' o di kaya 'Tagal naman ni Lei!'" aniya at bahagyang tumawa.

"Hindi ko nga alam kung sino ba talaga ang anak sa amin ni Mama, si Leilei ba o ako. Everyone loves her." aniya

Tumango ulit ako at walang ginawa kundi hangaan ang isang Leilei. She's really something.

Humarap na siya sa akin. "And everyone loves you too." aniya

Umiling ako. "Hindi naman siguro, may pagkakahawig lang siguro kami ni Leilei kaya minahal din ako ng mga kaibigan mo." sagot ko.

Nagkibit balikat siya. "Basta ako, mahal kita bilang ikaw."

Natahimik ako sa sinabi nito. Bahagya siyang tumingin sa akin at umiling.

"As a friend syempre!" aniya at sabay kaming tumawa.

Hindi ko tuloy maiwasan na isipin, paano kaya kapag totoo nga ang sinabi niya? Mahal ko din naman si Jackson pero hanggang kaibigan lang yon. Hays, kaibigan nga lang diba? Bakit ko ba iniisip to.

Tumayo na ito at pinagpagan ang pants na akala mo'y nadumihan. "Let's eat na." aniya

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako para umakyat at magpahinga. Pakiramdam ko lalagnatin ako na ewan. Hindi ko alam.

Naligo ako at bumalik sa kwarto para matulog. Medyo nainitan pa ako kaya ginamit ko ang aking elemental powers para buksan ang bintana at pumasok ang simoy ng hangin.

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon