Chapter 10: Acquaintance Party!

6.2K 290 60
                                    

[NOT EDITED]

A/N: Hi everyone! how's your day? hehe. Anyways, today I've already released my new story entitled "Step by Step" it's a one shot story pero ginawa ko nalang na 3 Collection para hindi bitin. If you have some time, you can visit it and give it a try! Thanks.

---

Today is the day, ang pinaka inaabangan ng mga estudyante. Lahat sila ay hindi magkanda umayaw sa paguusap tungkol sa event na darating.

Nahuli ako sa pag-aayos dahil nalate din ang mag-aayos sa akin, funny right? Isa ito sa mga pinadala nila Mom na mag-aasikaso sa akin. Kinamusta nila ako noong isang araw at nabalitaan na magkakaroon kami ng party. Hindi sila makakapunta dahil may iba din silang mga gawain na kailangan tapusin.

Nandito ako ngayon sa dorm kasama ang mga nag-aayos sa akin. Ginawa nilang high ponytail ang buhok ko at kinulot ang dulo ng buhok. Nag iwan din sila ng dalawang hibla ng buhok sa unahan at kinulot din ito sa magkabilaan.

I am now staring myself in mirror. Ako ba talaga ito? Grabe ang pinagbago dahil nilagyan din nila ng kolorete ang aking mukha na mas lalong nagpatingkad ang kulay ko. Isabay mo pa ang fitted dress na color black, off shoulder at may slit ito sa bandang kanan ibaba.

"Bongga!" sabi ng isang nag aayos sa akin. Tinanong ko sila nung una kung saan sila galing pero ang sagot lamang nila.

"Kami din ang mga tiga-ayos ng Mom mo, mapagkakatiwalaan kami." aniya.

"Bagay na bagay sayo hija!" sabi pa ng isang nag-aayos ng buhok ko.

Tumango naman ako at nagpasalamat. Hindi rin sila nagtagal at agad na umalis dahil iyon ang utos ng mga magulang ko.

I am now heading to our office dahil ito ang pinag usapan namin na sabay sabay papasok. Nauna nasa akin si Charli dahil kila Sky daw siya mag-aayos. Malamang nandoon na silang lahat.

"I'm sorry for being late, late din kasi nag-aayos---

"Omg, Elysse!" ani Charli at lumapit sa akin. She's wearing a floral dress at bagay na bagay sa kaniya.

"You look beautiful!" ani Sky at hinatak ako para makaupo.

Pinagmasdan lang ako ni Cheska na kasalukuyang naka fitted dress din ito, purple at may strap.

"Takpan niyo si Ethan baka masama na naman ang tingin niyan kay Elysse." biro ni Jackson at hinawakan ako sa bewang.

Sanay na ako sa mga kilos ni Jackson, playboy type. Naging magkasundo naman kami nitong mga nakaraang araw. Sinong di mag aakala na makakasundo ko pala ang isang 'to?

Tinotoo nila ang sinabi ni Jackson, humarang sa harap ni Ethan si Dylan na maayos na din ngayon. Lahat ng mga lalaki ay naka tuxedo at iba iba din ang aura nila.

"Get lost, Dylan." iritadong boses ni Ethan na nakaupo lamang sa mesa.

Tumawa naman si Dylan kaya hindi namin maiwasang mapatingin sa kaniya.

"You're laughing!" ani Cheska at humalakhak na din.

"Am i?" inosenteng tanong nito na kasalukuyang hinaharangan pa din si Ethan.

Kahit gusto kong tingin si Ethan ay sadyang magaling din ito si Jackson, he's talking at sobrang ingay nito sa pagkukuwento tungkol lang naman ito sa mga babaeng nag asikaso sa kaniya.

Pumasok ang apat na guro na iba din ang kanilang aura. Kasalukuyang nakangiti sa amin sina Cher Jade at Cher Holly.

"5 minutes and magsstart na ang event." ani Cher Henry at walang hawak na yosi sa ngayon. Tumango naman si Cher Raven na nakapamulsa at nakasandal sa pader.

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon